Sid Lucero & Michelle Madrigal:
Dangerously in Love

SID LUCERO
Real Name: Timothy Mark Pimental Eigenmann
Birthdate: March 12, 1981
Zodiac Sign: Pisces
Symbol: The Fish
Ruling Planet: Neptune
Quality: Mutable
Element: Water
Basic Trait: I Believe

MICHELLE MADRIGAL
Real Name: Michelle Gaspar Madrigal
Birthdate: November 4, 1987
Zodiac Sign: Scorpio
Symbol: The Scorpion

Ruling Planet: Pluto

Quality: Fixed

Element: Water

Basic Trait: I Desire
ISANG BIG revelation sa suspence-romance ‘Love and Lies’ ang itinatagong relasyon nina Gabby at Cathy, na ginagampanan ng Kapuso stars na sina Sid Lucero at Michelle Madrigal. Isang illicit affair ang namagitan sa kanilang characters, pero marami ang nagsasabing nakitaan nila ng bonggang chemistry ang dalawa. Hindi lang sila magaling magbait-baitan at mag-kontrabida. Kahit sa romansahan onscreen ay game na game ang dalawa!
Mapaglaro rin lang tayo sa kolum na ito, let’s give a little glimpse to the big possibilities of Sid and Michelle falling in love with each other.
Parehong sensitive ang Pisces at Scorpio. Ang una ay vocal sa kanyang feelings, samantalang magaling magtago ang huli. Madali nilang maiintindihan ang isa’t isa. Intense ang pagsasamang ito at hindi rin sila pahuhuli sa parteng romansahan.
Hindi judgmental ang Pisces, samantalang napaka-boka naman ng Scorpio lalo na kung meron itong hindi nagugustuhan. Imbes na mag-away, madalas na complimenting pa ito. Balanse ang level of compatibility nila dahil madali silang mag-adjust at sa unang pagsasanib pa lang ay lumalagablab na ang passion level.
Ang pagsasamang Pisces at Scorpio ang isa na siguro sa pinaka-suwabe pero nag-iinit na tambalan sa zodiac. Kahit dangerous man sa umpisa, ito ang tipo ng love story na worth fighting for!
Well, well, well! Mukhang malaki pala ang tsansa kung sakaling ma-develop behind the camera itong sina Sid at Michelle! Karirin na ‘yan! Worth fighting for din naman pala. Teehee!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.