Sid Lucero, may photo scandal?!

SUMA-SIDELINE BANG MACHO dancer itong si Sid Lucero? Sa mga nahalungkat naming litrato sa internet, medyo ‘eskandaloso’ ang eksena ng magaling na aktor na nag-i-striptease at nagsasayaw sa harap ng mga tao sa isang bar.

Ayon sa nakalap naming impormasyon, naganap ang ‘scandal’ na ito sa isang bar, kung saan masayang nag-iinuman ang cast and crew ng isang indie film, matapos silang mag-shooting. At sa kalasingan nga, nabuyo ng mga kasamahan itong si Sid na ‘magpakitang-gilas’. An artist himself, wala namang kiyeme at game na nagpaunlak si Sid, all in the spirit of fun, ‘ika nga.

Ang nasabing indie film na pinagbibidahan ni Sid ay ang Prey, isang powerful film co-produced and directed by Cannes Best Director Brillante ‘Dante’ Mendoza, tungkol sa Abu Sayyaf kidnapping ng foreigners na nasa bansa. Matapang umano ang istorya at big-budgeted ang nasabing pelikula, dahil foreigners ang co-producers ni Direk Dante.

Naunang napabalita na si Coco Martin ang magbibida sa nasabing pelikula, bilang lider ng Abu Sayyaf kidnappers, pero hindi umubra ang schedule ni Coco, kung kaya’t napunta kay Sid ang napaka-challenging na role.

Kasama ni Sid sa pelikula ang powerhouse cast na kinabibila-ngan nina Isabelle Huppert (multi-awarded French actress), Ronnie Lazaro, Raymond Bagatsing, Sid Lucero, Mon Confiado, Angel Aquino, Allan Paule, Ms. Rustica Carpio, Lauren Novero, Mercedes Cabral, Kristofer King, Bernard Palanca, Neil Ryan Sese, Maria Isabel Lopez, Archi Adamos, at iba pa, with special participation of Coco Martin, Joel Torre, and Ms Anita Linda.

Hulicam
Pinoy Parazzi News Service

Previous articleAfter Darna and Mega Daughter: Taong Lobo, bagong target ni Phil Younghusband!
Next articleDICK ISRAEL: Ang Bidang-Kontrabida, Kumakasa Pa

No posts to display