Sid Lucero and Marian Rivera: One Epic Tandem!

SID LUCERO

Real Name: Timothy Mark

Pimentel Eigenmann

Birth Date: March 12, 1981

Zodiac Sign: Pisces

Ruling Planet: Neptune

Quality: Mutable

Element: Water

Basic Trait: I Believe

Closest Metal: Germanium

and Strontium

Lucky Day: Thursday

MARIAN RIVERA

Real Name: Marian

Gracia Rivera

Birthdate: August 12, 1984

Zodiac Sign: Leo

Symbol: The Lion

Ruling Planet: Sun

Quality: Fixed

Element: Fire

Basic Trait: I Will

Closest Metal: Gold

Lucky Day: Sunday

 

HINDI LANG BASTA big stars at malaki ang budget na inilaan sa Amaya ng GMA-7, may touch of Phi-lippine History and Culture ito. ‘Ika nga, bagong panoorin sa primetime na hindi puro patayan at iyakang walang katuturan at mga flying creatures ang nakikita, huh!

Isa rin sa mga anggulong aabangan ng fans ay ang unang tambalan nina Sid Lucero at Marian Rivera. Balik-Kapuso ang award-winning actor para maging leading man ng prin-sesa ng Siyete. Base sa mga interviews nila, mukhang excited naman sila sa una nilang pagtatambal at kung makitaan siguro ng bonggang chemistry, malamang ay magkakaroon din sila ng drama movie. Why not nga naman, ‘dibash?!

Sabihin nating tanggap ng madla ang Sid Lucero-Marian Rivera loveteam. In real-life kaya ay maging ‘epic’ din ang pag-iibigan ng dalawa?

Maraming pagkakasalungat pagdating sa personalidad ang Leo at Pisces, pero ito mismo ang rason kung bakit malaki ang tsansang mag-klik ang samahan nila. Hindi kasing self-centered ng Pisces ang Leo. Makukuha ng Pisces ang attention sa pag-ibig na inaasam-asam niya mula sa Leo dahil hindi ito mahirap pakisamahan. In short, walang ‘ego’ clashes na magaganap sa pagitan ng dalawa. Hahayaan ng Pisces na maging ‘boss’ sa relasyon ang Leo (kitang-kita naman ang trait na ito kay Mareng Ma-rian, ‘di ba? Hehehe) at pareho nilang uunawain ang isa’t isa. Hindi man open o vocal sa kanyang feelings ang Pisces, gets na gets ng Leo kung ano ang magpapaligaya rito. ‘Yun naman talaga ang importante sa bawat pagsasama.

Ang pangmatagalang pagsasama ng babaeng Leo at lalaking Pisces ay nakadepende sa kung ano ang kaya nilang isugal sa ngalan ng kanilang tapat na pagmamahalan. Mahilig sa atensyon ang Leo at maibibigay naman ito ng Pisces. Ang maganda sa relasyong ito ay pareho naman silang romantic mapakilig man o sa lovemaking.  Very passionate din ang dalawa sa larangang kinahihiligan nila. Sight na sight din natin kung paano kamahal nina Sid at Marian ang kanilang trabaho bilang mga artista. Kung nanaisin ni Bathala, mukhang jackpot na jackpot sina Sid at Marian sa piling ng isa’t isa.

Naks, mukhang naka-disco-ver ng epic tandem ang Kapuso Network kina Sid at Marian, huh?

 

By Madame Damin

Pares-Pares

By Madam Damin

Related Post

loading...

17 thoughts on “Sid Lucero and Marian Rivera: One Epic Tandem!

  1. Kung knilig ako noon sa loveteam nina Dingdong at Marian, this time ay walang kapantay ang kilig ko sa tandem/loveteam nina Sid at Marian. Bagay na bagay sila at talagang sobra silang magpa-kilig sa Amaya. As in “bonggang kilig!”. So happy to find this article them. I pray na magkaroon sila ng movie as loveteam. I am one of their followers by the way from the US of A. =)

  2. i truly like amaya… it is different..i like the storytelling, the acting, the cast, the costumes..everything..ang taas ng production value!  i hope it gets the recognition it deserves..as a filipino, i am proud that we can come up with something like this… ang pagsasalita ng sariling wika ay isang aspeto ng amaya na lubos kong hinahangaan…i don’t like teleseryes, but amaya is the first show that i truly like..di mo ma-predict what is going to happen next..kudos to gma 7! and to marian..you go, girl! dismiss the negative thoughts…pag hitik sa bunga, talagang binabato ng mga gustong makikain! god bless 

  3. Oyyy may mga inggit kay Marian.  Do not mind them Marian, I wish you more blessings to come. More power sa Amaya, inaabangan ng family and friends namin, magkakaibang state and city pa yan ha… tapos tawagan at kwentuhan kami. So continue to do a great job Sid and Marian.  Sid super galing mo and gwapo mo, wow talaga, you speaks through your eyes and your lips… hayyy yon lang masasabi ko sa lips mo hehehe. 

  4. DYOS KO PO! ANG GWAPO GWAPO NI SID LUCERO  , ANG GALING NG AMAYA! CANT WAIT TO WATCH EVERYNIGHT….GO SID GO SID!!!!!

  5. napaganda po ng amaya,salamat sa bayantv24 at napapanood nmin ang teleserya ng pinoy esp.ang amaya,nakakatanggal pagod ang Amaya..

  6. LAOS NA SI MARIAM HINDI NA PINAPANOOD MGA MOVIES AT MGA PROJECTS NIYA DAPAT MATAUHAN NA ANG GMA IBA NA BIGYAN NINYO NG OPPORTUNITIES MALULUGE KAYO

  7. 1984 PALA PINANGANAK SI MARIAN PERO BAKIT PARANG NASA MID 30s NA SIYA.MAS MUKHA PANG BATA SA KANYA SI RUFFA G

  8. sa aking pananaw, lubhang nabubulagan na ang ibang mga pilipino at mababaw ang pagpapahalaga sa bansa. pinagmulan ng kultura natin ang pinag-uusapan dito, tapos panghuhusga pa ang mga sasambitin ng mga taong mababaw ang nararating ng isipan. salamat at gumastos ang gma 7 upang magkaroon ng kabuluhan ang palabas sa telebisyon sa halip na mga iyakan na nakagawian. sa tingin ko nawala na talaga ang pagiging makabayan ng pilipino. makikitid lamang ang ISIPAN ng mga taong magsasabing di maganda ang AMAYA…isang paghamak yun sa ating mayamang kultura at nakakalungkot sa dahilang pinipersonal lamang ang mga gumaganap na artista…

  9. talagang laos na.. ang sagwa kong umarte,.. i love angel. ang taas ng rate ng imortal kaysa UMAYA kasi bawat eksena ang O.E.

  10. Aysus, wala namang nanonood nyang amaya na yan. Laos na si Marian, lahat ng movies flop pati mga tv shows flop.

  11. AMAYA = EPIC FAILURE… lahat na ng gimik inisip na ni Wilma Galvante. Pati AGB Survery minanipulate na rin ng mga Execs ng Syete, pero wa talaga eh. FLOP Queen kasi yang si Marian kaya sorry na lang sa kanila. Mas may nanonood pa nga ng Babaeng Hampaslupa ng Singko eh… pero ung AMAYA naging UMAYA, naumay ung mga manonood. Kaya ayan pinagtopless na ung mga artistang babae para naman daw kahit pano may manood sa kanila.. Kaya mga Kapuso nood na ng UMAYA para naman magrate kahit paano. wawa naman si Wilma G. umiiyak na di alam kung pano mababawi ung milyones na ginastos sa mga costumes at props.

  12. ganda amaya may kabuluhan… philippine pride… I like marian and dingdong pero xempre mas akma s leading man role s amaya si sid kc pinoy n pinoy ung dating nya…. He s soooo talented too. Thumbs up!!!

  13. KARENTAE…………..naku ang dami nood ng Amaya, tigilan mo na kasi ang paghithit ng rugby at palagi ka sabog

  14. MARIAN UR NO. 1!!!!!!!!!!!!AMAYA GRABE SA GANDA WALA NA PAPANTAY DITO………SANA NAGTAPAT YUNG KAY YAYA ANGEL AT AMAYA PARA ILAMPASO ITO SA RATINGS…….YUN GUNS AND ROSES I’M SURE GINAYA NA NAMAN ITO SA ISANG PELIKULA……..ANG PANGIT NA NAMAN NITO SIGURADO YAN

Leave a Reply

Your email address will not be published.