Sid Lucero’s camp, still silent on actor’s threat on a hardware store employee

NAKATSIKAHAN KO ANG diumano’y biktima ni Sid Lucero sa isyung panunutok ng screwdriver hapon noong May 8 sa isang hardware store na si Rowell Monit. May saksi rin akong nakausap na nakakita mismo sa mga pangyayari na kinasasangkutan diumano ng aktor. At nakita din namin ang resibo ng credit card na ginamit nang aktor sa pagbayad sa binili niyang extension cord at iba pang mga gamit mula sa nasabing tindahan.

Nu’ng nakaraang linggo ay naglabas na ang kanilang kampo ng statement sa isang entertainment website. Ipinalabas sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5 ang buong kuwento ng diumano’y biktimang si Rowell. Pero hanggang sa masulat namin ang siping ito, nanatiling tahimik ang kampo ni Sid tungkol sa isyu. Nakausap na namin sa telepono ang kanyang manager na si Ricky Gallardo at sa pamamagitan ng text ay nagpahayag ito na hindi na raw muna sila magsasalita ayon na rin daw sa payo ng kanilang abogado.

Sana ay maayos na ang gulong ito nang maging tahimik na ang magkabilang panig na sangkot sa isyu.

 

NAKAKATUWA TALAGANG KAUSAP ang Comedy Concert queen na si Ai-Ai delas Alas, walang kiyeme kasi siya kapag sumagot sa mga tanong ng media. Nakatsikahan namin siya sa 42nd Grand Annual Awards and Coronation Night (Box-Office King and Queen Awards) last week kung saan siya ang hinirang na Box-Office Queen for 2010 sa pelikulang Ang Tanging Tanging Ina Mo (Last na ‘to) na iginawad ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc.

May korona pa ang drama ni Ai-Ai nang dumating sa RCBC Theater at talaga namang pinagkaguluhan agad siya ng press at mga tagahanga.

Pag-amin niya sa amin, “Masuwerte talaga ako sa career, pero ewan ko nga ba, parang ang malas-malas ko sa lalaki,” sabay halakhak ng Comedy Queen.

Marami raw nakapilang proyekto sa kanya ngayon pero hindi pa niya puwede itong sabihin. Hindi na rin daw kaya nang kanyang schedule ang magkaroon pa nang malaking concert sa Big Dome sa kanyang birthday sa November. Ikaw na, Miss Ai.

 

ILANG BESES NA naming nakapanayam ang grupong Mocha at ang leader nitong si Mocha Uson at talaga namang hanga kami sa kanilang kasipagan. Ilang beses na rin naming nasaksihan ang kanilang mga nude painting sessions pero walang keber si Mocha kung nakabuyangyang sa maraming tao ang maseselang bahagi ng kanyang katawan.

Pero meron pang maraming misteryo ang buhay niya at kung paano nga ba siya napasok sa mundo ng musika? Bakit nga ba niya ninais na pumasok sa showbiz gayong buena familia naman ang kanyang mga magulang at kaya namang tustusan ang kanyang mga luho sa buhay?

Ngayong gabi, alamin ang katotohanan sa likod ng seksing katawan at magandang boses ni Mocha as she tells-bares all, via Star Confessions, hosted by Nay Cristy Fermin after Mga Nagbabagang Bulaklak.

 

Follow me on Twitter, @arnielcserato; Tutok lagi sa Juicy, daily (10 am), TV5; Paparazzi, Sundays, 4 PM, TV5; at sa Cristy Ferminute, daily, 4 to 5:45 PM, Radyo Singko, 92.3 newsFM at Aksyon TV Channel 41.

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.