Sick and tired, Claudine Barretto cries over issue of splitting-up with husband Raymart Santiago

DAHIL SA TAGAL na rin sa industriya, hindi na raw ganu’n kabilis mapikon si Claudine Barretto sa mga intri-gang ipinupukol sa kanya pagda-ting sa kanyang trabaho bilang artista. Pero kapag sa kanyang personal na buhay, lalung-lalo na sa kanyang family life, hindi nito maiwasang mapikon.

Katulad na lang daw ng isyung hiwalayan nila ng kanyang hubby na si Raymart Santiago during the time na hindi siya napagkikita at walang show. Hindi na raw natutuwa si Claudine sa mga naglalabasan, ‘yun daw ang mga sandaling napipikon siya, dahil alam naman daw nilang mag-asawa ang totoo na sila pa rin at walang hiwalayang nagaganap.

Hindi raw kasi nakakatuwa at nakakapikon na ang mga ganu’ng tsismis. Mahirap daw kasing magpaliwanag sa maraming taong nagtatanong sa kanila about their marriage status.

Aminado ito na kung ilang beses niyang iniyakan ang nasabing balita, dahil kahit daw lagi silang napagkikitang magkasama ni Raymart ay patuloy pa rin silang iniintrigang hiwalay na. Pero ngayon daw na balik-showbiz na siya via two shows ng GMA-7, ang Spooky Nights at Iglot, mamamatay na ang isyung hiwalay sila ni Raymart.

 

KAHIT HINDI NAKOPO ang number 1 slot sa katatapos na poll for 2011 100 Sexiest Women in the World at pumasok lang sa number 9 slot ang star at GMAAC prime artist na si Jackie Rice, masaya na ito dahil nga naman out of 100 ay nasa top 9 siya, kung saan ang kapwa nito Kapuso na si Sam Pinto ang itinanghal na Sexiest Filipina ng FHM.

Na sinundan ni Marian Rivera, habang nasa 3rd slot naman si Angel Locsin. Happy rin daw si Jackie dahil halos karamihan ng pumasok ay Kapuso Stars na ang over-all tally ng mga  Kapuso Stars na pumasok ay 11 ,samantalang 8 slots naman ang nakuha ng ABS-CBN girls at 1 naman sa TV5 na pumasok sa top 20.

Heto ang kumpletong listahan ng Top 20 2011 FHM 100 Sexiest Women In The World: 1. Sam Pinto; 2. Marian Rivera; 3. Angel Locsin; 4. Cristine Reyes; 5. Solenn Heussaff; 6. Katrina Halili, 7. Jennylyn Mercado; 8. Iwa Moto; 9. Jackie Rice, 10. Ellen Adarna; 11. Bangs Garcia, 12. Ehra Madrigal; 13. Angelica Panganiban; 14. Valerie Concepcion; 15. Lovi Poe; 16. Iya Villania; 17. Anne Curtis; 18. Bianca Manalo; 19. Regine Angeles; 20. Rhian Ramos.

 

BUKOD SA USAP-USAPAN ang pagdalo ng Royal Couple na sina Prince William at Princess Kate ng UK sa matagumpay na katatapos na Canada Day, mainit pa ring pinag-uusapan ng mga Kababayan nating Pinoy sa Canada ang issue tungkol sa biglaang pagbubuntis ni Andi Eigenmann.

Hula-hulaan ang lahat sa kung sino ba ang ama ng 4 ½ months na dinadala ni Andi. Marami ang nagsasabing si Jake Ejercito ang ama ng baby ni Andi, pero mas marami ang humuhulang ang young actor na si Albie Casiño ang ama ng  nasa sinapupunan ng magandang young star.

Tsika nga ni Tita Maria Fe Geneza, ang butihing ina ng international star na si Geena Geneza, na baka ang pagbubuntis daw ni Andi ang dahilan kung bakit nagawang saktan noon ni Albie si Andi, dahil nalaman nitong buntis ang dalaga at naging dahilan ng break-up nila.

Habang dagdag naman ni Tita Liza Pardilla na ayon na rin sa pahayag ni Jaclyn Jose, ang ina ni Andi, na first boyfriend ni Andi ang nakabuntis sa kanya na lumalabas na si Albie nga naman ang naunang BF ng young star, bago napunta kay Jake. Kaya maliwanag na maliwanag na baka nga si Albie ang ama ng magiging baby ni Andi.

John’s Point
by John Fontanilla

Related Post

loading...

17 thoughts on “Sick and tired, Claudine Barretto cries over issue of splitting-up with husband Raymart Santiago

  1. napanood ko yung spooky nites cyempre, pero bakit kaya pinabayaan ni opium na magkaganoon yung katawan nya? yung wetpaks nya baka puro tae lang yun try nya kaya umiri………..ang pangit ng story grabe!!!!!!!!!!!!!!!!!

  2. kukay..talagang dinamay pa si rico yan..patay na nga yung tao at ang tagal na nung issue na yun..may asawa na nga si claudine ohh..move on gurl or boy?!

  3. pag-uusapan talaga sa showbiz kapag bad news..look at her now, usap-usapan ng lahat ang pregnancy issue nya.. oh Andi, parang kelan lang ehh gumawa ka pa ng “INGAY” sa isang social networking site ahh with you better half? na si Albie…noh verrrr!!!

  4. shebie..napanood mo ba ng buo yung spooky nights.. tama kaya si joniva01..nakakatawaa nga yung show ehh..ikaw na ang nega-star..nega ang comments mo ehh

  5. hahahaha.. kaloka mga comments nyo dito…gusto ko tumambling.. nakakawala ng stress promise….. pain reliever ito….go cheche

  6. AY NAKU GISING NA GISING ANG MGA HATERS O,,GANUN DAW TALAGA KUNG ANO YUNG LUMALABAS SA BUNGANGA NG ISANG TAO YUN DIN ANG KLASE NG PAGKATAO MERON SYA=) KAYA SA MGA HATERS DITO SORRY NA LANG KAYOO DAHIL SA AYAW AT SA GUSTO NYO MANANATILING MAY CAREER ANG NAG IISANG CLAUDINE BARRETTO=) ANG MAGALING NA ARTISTA KAILANMAN AY HINDE MAWAWALA,,AT SAKA NGA KUMOTA NA SYA SA BLESSINGS:=) TULONGAN NYO NA LANG IANGAT YUNG CAREER NG MGA INIIDOLO NYO DUON MAGKAKAROON PA KAYO NG SAYSAY=)

  7. HEHE Joniva01angIQ – MUKHANG IKAW ANG STRESS SIGURO KASAMA K NG IDOL MO SA POT SESSIONS……..CALLING PDEA HEHEHE………DAPAT TALAGA TUMABI TAYO NG MALAKI KASI SA TABA, LAKI NG BALAKANG AT LAKI NG SUSO NI OPIUM STAR AY HINDI MAGKAKASYA ANG MALIIT NA SPACE HAHAHA…………POOKIE NITES!!!!!!!!!WHOOO!!!!!!!!

  8. SHEBIE WALA PA LANG KUWENTA BAKET KA NAGKOKOMENT LOL!!! PINANOOD MO BA ANG GANDA SOBRA SYANG NAKAKAALIW,,,KUNSA BAGAY HINDE KA NGA MAAALIW KASI PUNUNG PUNO KA NG HINAGPIS SA BUHAY,,,NAKAKAAWA KA NAMAN,,HINDE KA NA LANG TUMUTOK AT MAGBANTAY SA MGA INIIDOLO MO KESA NAGSASAYANG KA NG PAGOD DITO INI STRESS MO LANG SARILI MO

Leave a Reply

Your email address will not be published.