SIBILYAN, TIGOK SA LANDMINE

PATAY ANG ISANG sibilyan habang anim pa ang sugatan nang masabugan ng landmine ang isang military vehicle sa Compostela Valley.

Ayon kay Captain Rosa Maria Manuel, tagapagsalita ng 10th Infantry Division, lulan ng military trucks ang mga residenteng dumalo sa peace rally sa bayan ng Maco.

Ihahatid ng mga sundalo ang mga sibilyan nang masagasaan ng isa sa mga behikulo ang landmine na itinanim ng mga miyembro ng NPA sa Barangay Libay-libay sa bayan ng Maco sa nabanggit na lalawigan.

Kabilang sa mga sugatan ang dalawang sundalo na pansamantalang hindi tinukoy ang pagkakakilanlan.      (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.