Si Richard Gutierrez at ang mga Bebot

SI RICHARD GUTIERREZ na siguro ang pinaka-masuwerteng male star ng GMA-7. Sa kanya kasi ipinagkaloob ng network ang pinakamalalaki nitong proyekto tulad ng Mulawin, Sugo, Captain Barbell, Lupin, Kamandag, Codename: Asero, Zorro at ang malapit nang ipalabas na Full House. Siya rin ang nag-iisang Valentine King ng GMA Films. Ilan sa mga nagawa niyang pelikula ay ang Let The Love Begin, I Will Always Love You, The Promise, My Bestfriend’s Girlfriend at When I Met You. Lahat na rin ‘ata ng pinakamagagandang bebot sa telebisyon ay nakatrabaho na niya.

Napapansin lang namin na magaling magpakilig si Richard ng kanyang mga leading lady. Numero uno sa puso pa rin namin ang tambalan nila ni Angel Locsin. Bakit? Hindi kasi masyadong binigyan ng kulay ang kanilang off-screen relationship. Kumbaga, propesyunal ang pag-atake nila sa kanilang mga proyekto na hindi na kakailanganing palabasin na mag-dyowa sila in real life. In short, ‘di na nila kailangan pang lokohin ang mga fans. Kumita rin lahat ng pelikula, TV shows at endorsements nila. Marami ang nag-aabang ng kanilang comeback movie. Kailan kaya ‘yun mangyayari, ‘noh?

Si Rhian Ramos naman ang ilang beses nang nakasama ni Richard sa TV. Para ngang lumaki na si Rhian sa showbiz with Richard as her leading man. Mula Captain Barbell, Lupin, Codename: Asero at Zorro. Hindi rin masyadong nilagyan ng kulay ang pagtatambal nila dahil nali-link sila sa iba’t ibang tao.

Si Richard din ang nakauna kay KC Concepcion. Dahil sa kanila, naging posible ang pagkakaroon ng movie projects ng isang big Kapuso star at Kapamilya artist. Dito nag-umpisa ang ex-deals ng dalawang network. Matindi rin ang promo nila para sa mga pelikulang For The First Time at When I Met You na kinakailangan nilang palabasin na may namumuo na ngang pagtitinginan sina KC at Chard. As expected, nawala rin ito pagkatapos kumita ang movie.

Ngayon ay kapares ni Richard si Cristine Reyes sa Patient X. Kinabog ng dalaga lahat nang dumalo sa premiere night ng kanilang movie at halatang ninenerbyos si Richard. Sa telebisyon naman ay balik-tambalan sina Richard at Heart Evangelista para sa Full House. Magkakaroon pa kaya ng gimik ang inaabangang tambalang ito? Well, ang alam namin, iisa lang talaga ang ‘Jewel’ sa puso ni Richard. ‘Yun na!

by Pinoy Fans Club

loading...

8 thoughts on “Si Richard Gutierrez at ang mga Bebot

  1. well, ganuon talaga ang magpromote ng shows . movies etc… puro kasinungalingan, mga MAKE BELIEVED and here we are .buying all thier lies. reading, believing, hoping that it is for real, probably. well, Richard personality ay somewhat (hidden) GENTLEMAN PLAYBOY. I can not say he was taking all the previleged being pinakasikat na male actor to be link or to have relationship with all his leading ladies while working with them. Hope he stop this flirty thing .and just be nice and be their friends.buti na lang hindi na-in love si heart sa kanya , trabaho lang sila.

  2. Nakaka-disappoint na malaman na sila pala ni Jewel in real life tapos tinatago nila! Pinaikot nila kami na Kchardees. Anyway, I will never watch RG’s movies and teleseryes dahil napaplastikan ako. To Richard and Jewel: Magpakasaya na kayo sa kaka-abroad… magsasawa rin ang fans sa inyo sa kasinungalingan niyo!!!

  3. hi to my no. idol ng bayan…s lahat ng naninira ky richard sorry nlng kau gnyn tlga pag sikat ccraan n ccraan.. ndi kau magtatagumpay dhil richard is already richard…..gudluck pla snyo ni heart and2 lng kming mga die hard fans mo alam nmin n inaabangan n yn n were very xcited n tlga to watch….more power n GOD BLESS U ALWAYS…TAKE CARE

  4. maging neutral sana kayo parazzi, kc maka siete kayo. eh. lagi may comment kayo sa dos at lagi nyo pinagmamayabang ang mga artista ng siete ang dos lang ngayon. halatang may pinapanigan kayo.

  5. xempe ganian tlaga!!! gwapo lv xa at maapel! kaya nga ang mag naninira jan e inggitera… mag makuopal ang muka!

  6. isip nmn kyo ng bagong gmik hindi un laging i link o involve kunwari sa k love team nun pla my jowa sa dilim …

  7. kaya nga nawalan ng integrity sa akin si Chard ang galing manlandi ng babae sa harap ng camera e iyon pala may GF na lumuluha sa mga walang patumanggang panlalandi on cam at patuloy na pagededeny sa kaniyang real-life GF. Ay naku Chard mag action star ka na lang at least mas bagay sa iyo ang pagiging babaero pero iyong pa-wholesome appeal wag na lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published.