SI KATRINA PAULA AT ANG MGA ILIGAL NI DON RAMON

TANDANG-TANDA  KO  PA noong nakaraang taon ang mukha ni Katrina Paula habang umiiyak itong nagsasa-lita kaugnay sa kinasasangkutan niyang carnapping case.

Ang nasabing kaso, parekoy, ay nag-ugat sa mga mamahaling kotse na narekober ng mga awtoridad sa parking lot ng kilalang condominium sa Pasig na diumano ay lungga ng pagmamahalan nila ni Raymond Dominguez.

Agad itong pinabulaanan ng seksing si Katrina Paula at agad din nitong pinasinungalingan ang nasabing ulat ng kanyang relasyon sa tinaguriang “carnapping king”.

May litanya pa ang bold star na ito na hinding-hindi na raw siya magpapalitrato ng kahit kanino lang dahil napagkakamalan pa tuloy na boyfriend niya.

Ang siste, parekoy, noong nakaraang linggo, tahasan na ring inamin ni Katrina Paula ang kanyang relasyon kay Raymond Dominguez at may anak na raw pala siya rito!

Ayon sa text ng isa kong reader… kay gandang sinungaling!!!

Pero in fairness, parekoy, kay Katrina Paula, hindi siya masamang tao… maaaring napamahal lang siya sa masamang tao!!!

KUNG SINA QUEZON City Mayor Herbert Bautista at QCPD Dir. Gen. Benhardi Mantele ay talagang hindi nakikinabang mula rito sa mga tran-sactions ni Don Ramon, dapat na nila itong gawan ng paraan na matigil.

Palasak na kahit saang korner ng kyusi na basta’t may iligal ka ay kontakin mo lang si Don Ramon at para ka nang nakasandal sa pader!

Ano ba, Mayor Bistek at Gen. Manteli, pakapalan na lang ba talaga ang labanan?

INAANYAYAHAN KO PO kayong makinig sa aking programa sa radio na ALARMA KINSE TRENTA, tuwing 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes, sa DZME 1530 kHz (dulong kanan ng talapihitan).

Sa programang ito ninyo maririnig ang tunay na walang takot at walang kinikilingang komentaryo sa mga napapanahong isyu.

Maaari rin po ninyo akong mari-nig at mapanood sa internet, 6-7 ng umaga sa www.dzme1530.com

Anumang sumbong, i-text lang sa 09152121303 o kaya’y mag-e-mail sa junbriones69@yahoo.com.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.