Si Kap, Abusado na Sugarol pa!

 

0933925xxxx – Sir Raffy, gusto ko po sanang paimbestigahan ang aming barangay chairman dito sa Barangay 754, Zone 81, 5th district ng Maynila na malapit sa Saint Benilde, La Salle. Ito pong si Chairman Rober Tabuzo ay sobrang abusado sa kanyang kapangyarihan. Pinapayagan po niyang gawing tambayan ng kanyang mga kapatid ang aming barangay hall. At sa likod po nito ay mayroong sugal na tong-its na isa siya sa mga nagsusugal. Mayroon din po siyang kaso ng pambubugbog noong siya ay nalasing. Wala pong magawa ang kanyang mga kagawad dahil sa ginagawa niyang pang-aaway.

 

0923903xxxx – Tol Raffy, nais ko pong ipaalam sa inyo na rito po sa lugar ng San Luiz, Candaba, Pampanga garapal ang ginagawang pangongotong ng mga pulis. Kada po mayroong dadaang truck, kailangan po naming maglagay ng halagang P100 hanggang P400 para makadaan sa lugar na iyon. Kapag po hindi kami nakapagbigay ng pera ay pinapaikot po kami sa Cabiao, Nueva Ecija na sobrang layo. Sana po ay matulungan ninyo kami dahil maliit lamang po ang aming kita para bawasan pa nila.

 

0932786xxxx – Mr. Raffy Tulfo, gusto ko pong paim-bestigahan ang mga pulis timawa sa kanto ng Zamora St., Pandacan, Manila. Ako po ay isang driver ng truck at gabi-gabi po kaming dumadaan sa lugar na ito kaya madalas din po ang pangongotong ng mga pulis sa amin. Palagi po silang nakatambay sa madilim na lugar ng plaza kaya hindi agad sila mapapansin. Pagdating po ng alas-onse ng gabi, nakapuwesto na po silang apat sa kanilang tambayan para mag-abang ng makokotongan. Mga nakasuot ng itim na jacket para hindi makita ang kanilang mga pangalang nakalagay sa kanilang uniporme. At wala rin po silang nakalagay na for check point para basta na lang magpatabi ng mga sasakyan at pati kaming mga driver ay pababain. Sana naman po ay mabigyan ninyo ng aksyon ang mga buwayang pulis na ito dahil napakarami na po ang kanilang nabibiktima. Maraming salamat po.

 

0928448xxxx – Mr. Tulfo, halos isang buwan ko na pong inirereklamo ang isang iligal na bukis sa Barangay 33, Zone 3 at Barangay 36, Zone 4. Ang isa po sa aking napagreportan ay si Sgt. Callejas, pero ang tugon po niya sa akin – itawag ninyo na lang ulit sa PNP dahil hindi namin matiyempuhan. Ang nasa isip ko naman po ay – papa’no ninyo mahuhuli ang iligal na bukis dito samantalang ang SPO4 Romy Lorenzo na sumasagot sa kanilang headquarters ay isa sa mga kotong cops? Kaya umaasa po kami na sa pamamagitan ng inyong programa ang makakapagbigay solusyon sa problemang ito.

 

0906490xxxx – Boss Raffy, isa po ako sa masugid ninyong tagapakinig sa WANTED SA RADYO. Gusto ko po sanang isumbong sa inyo ang ginawang pambibiktima sa amin ng mga pulis dito. Kami po ay nahulidap sa may Balintawak palabas ng NLEX. Nakuha po namin ang plate no. ng kanilang sasakyan. Hindi lamang po namin nakuha ang pangalan ng mga pulis na ito dahil po nakasuot sila ng jacket. Pinaimbestigahan po namin ang plate no. ng kanilang sasakyan sa LTO at napag-alamanan po namin na ito ay nakarehistro sa Diamond Motors Corporation at huling nirehistro noong January 31, 2005 pa. Sana po ay mahuli na at parusahan nang sobra ang mga tiwaling pulis na ito na walang awa sa kanilang kapwa.

 

Tumawag sa 0917-7-WANTED at 0918-87-TULFO.

 

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.