SI JULIA BARRETTO ANG PAKAKASALAN NI JOSHUA GARCIA!

Julia Barretto and Joshua Garcia

I’M SURE, tuwang tuwa ang mga fans nina Joshua Garcia at Julia Barretto dahil kahit malayo pa ay kumpirmado na si Joshua ay pakakasalan si Julia.

Sa nightly show na “Tonight with Boy Abunda”  sa Kapamilya  Network, proud na proud ang binata na si Julia ang babaeng ihaharap niya sa altar.

Not too soon dahil in the next eight to ten years pa naman iyon.

Tanong ni Kuya Boy kay Joshua na kung ready na ito at kung si Julia ang pakakasalan niya.

Walang kaabog-abog ay sinagot ng binata ang celebrity host na: “Yes po!”

Sa show noong Friday ay kinamusta ni Kuya Boy ang estado nila as “lovers”.

Sagot ni Joshua: “Ngayon okay po kami. Masaya kami kasi nalagpasan namin yung trial na dumaan. May natutunan po kasi talaga ako dun sa nangyari yun. Yung pahalagahan kung anong meron ako,” proud na sagot ng binata.

Sa pinagdaanan ng dalawa sa relasyon nila, napatunayan ni Julia na strong woman siya. “Matibay po pala talaga ako. Strong woman pala talaga ako. Hindi pala ako basta-bastang sumusuko sa taong mahal ko.”

 

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.