Si Joey de Leon at ang Eat Bulaga

Maraming taon na rin mula nang huling marinig ang jingle na ito ng Eat… Bulaga!, ngunit kung bakit nakabaon pa rin ito sa ating kamalayan  ay dahil magpahanggang ngayon, buhay pa rin ang kahulugan ng bawat linya nito.

Tatlong dekada o katumbas ng tatlumpung taon na nating kasama sa pananghalian ang Eat Bulaga!. Kung paanong naging angkop ang pangalan ng programa ay resulta ng mayamang imahinasyon ng isa sa mga haligi nito, si Joey de Leon.

“Pinag-isip kasi nila ako kung ano’ng itatawag namin sa bubuksan naming lunchtime program. Naisip ko, since tanghali ‘yon, ikinabit ko ‘yong salitang ‘eat,’ tapos, dinugtungan ko na lang ng ‘bulaga,’” paunang kuwento ni Tito Joey.

Commissioned to do an article on EB, ang mababasa n’yo ay ang mga kuwentuhan namin ni Tito Joey during “yosi breaks” in Startalk every Saturday, providing interesting glimpses of the country’s longest-running variety program on television.

“Thirty years na pala kami,” pagre-realize ni JDL sa programang mahigpit na niyakap ng mga manonood, na kung saan-saang channel napadpad until it has found its rightful home, ang GMA-7.

[ad#post-ad-box]

“At sa tagal ng panahong ‘yon, limang president na ng Pilipinas ang naabutan ng Eat… Bulaga!,” pagbabalik-tanaw ng TV host-comedian, himself a keeper of souvenir photos taken with Ferdinand Marcos, Cory Aquino, Fidel Ramos, Erap Estrada and Gloria Arroyo. “Baka abutan pa namin ang susunod na president,” dagdag pa niya.

Thirty years and still counting: Ganito kung ilarawan ni JDL ang kasalukuyang estado ng EB, na hindi raw sa pagbubuhat ng bangko ay hindi natitinag sa kinalulugaran nitong puwesto. “Biruin mo, ang tagal na namin, and yet nandito pa kami. Nagkaapo na kami’t lahat nina Tito at Vic, nandito pa rin ang Eat… Bulaga!. Imadyinin mo, mga lolo na ang hosts?”

Pero wala raw pinipiling edad ang pagbibigay-saya sa kanilang mga manonood. “Ang mahalaga naman kasi, ‘yung sincere ka sa pag-e-entertain. Masarap ‘yung feeling namin ‘pag napapasaya ang aming audience, ‘yun ang aming collective sense of fulfillment, lalo ngayon, ‘di ba, mahirap ang buhay?”

Naniniwala si JDL that providing no-nonsense entertainment is a moral responsibility. Without throwing brickbats at its rival noontime program. “Tayo naman kasing mga Pinoy, basically, masayahin. Pero ang pagpapatawa kasi, dapat may puso rin, hindi mo iniinsulto ang tao, iginagalang mo anupaman ang antas niya sa lipunan.”

Isa rin daw sa sikreto ng patuloy na pamamayagpag ng EB ay ang samahan ng mga miyembro nito, salamat sa binhi ng kulturang itinanim ng ama ng lahat, si Ginoong Tony Tuviera ng TAPE, Inc. “Ganu’n katindi mag-alaga si Mr. Tuviera, ganu’n siya kung magbigay ng pagpapahalaga ultimo sa bawat tauhan ng production.”

Sana’y lapatan ng bagong lyrics ang jingle dahil nakakaabot na rin sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV ang Eat… Bulaga! sa iba’t ibang panig ng mundo. Kung halaga ng papremyong cash din ang pag-uusapan, hindi na isang libo kundi daang libong piso o isang milyon pa ang naghihintay sa ating mga kababayan.

At tila bibilang pa ng ilang pinuno ang ating bansa na maabutan ng Eat Bulaga, nawa’y adhikain ng ganap na pagkakaisa ay magkaroon na ng katuparan.

Sa pananghalian at maging sa iba pang oras ng kainan.

By Ronnie Carrasco III

loading...

9 thoughts on “Si Joey de Leon at ang Eat Bulaga

  1. huwag daw kayo manila sa Mega Manila ratings nyahahaha..
    Mega Manila ratings lang naman ang ginagamit na basehan ng EBS noong sila pa ang no.1.. binabalandra nila yan sa tv na sila ang no.1 dati inuulit ko dati nung sila pa ang no.1 sa Mega Manila.. natalo sila sa ratings kaya inakusahan ang GMA na nandayaw daw gamit ang mga bayaran at walang kredibilidad na mga witnesses kuno, na yung iba dating empleyado nila sa regional station nila sa Bacolod nyahahaha!

    yan ang tunay na paninira paulit-ulit na binabalita sa TV na nandaya daw ang AGB at GMA.. di kasi matanaggap na after ilang taon na pagiging no.1 sa Mega Manila natalo at naungusan sila ng isang maliit ng network gaya ng GMA! well, dati nang ganyan ang EBS mapanira.. sinisiraan ang mga kalaban nila sa negosyo para masolo ang iba’t ibang businesses sa Pilipinas!

    ang wowowee puro hype lang, sikat lang si willie sa mga iskandalo na kinasasangkutan niya.. helLo 0-2 WILYONARYO SCAM, ULTRA STAMPEDE, NENA V SANTOS -REPOSSESSED HOUSE N LOT NA PRIZE, CHLOE RONQUILLO NAGREKLAMO SA MTRCB, WILLIE’S OUTBURST ON TV SA FUNERAL CORTEGE NI CORY AQUINO!

    cge na nga, puro flop ang gma sa movies at walang flop sa ebs diba piolo? diba juday? sa inyo na ang movies magkano ba ang kikitain diyan? mas malaki ba sa tv? nyahahah! sa tv maraming ad support kung saan kumikita ng mas malaki ang tv stations at sa movies kakarampot lang dahil ilang beses sa isang taon lang gumagawa ng movies.. sa tv araw-araw at gabi-gabi napapanood mo ang mga fave shows mo at puno pa ng ad placements bawat commercial break kaya malaki ang kita e sa movie ganyan din ba? LOL!

  2. An0ng mer0n at pur0 Eat Bulaga nand2 ngaun?? s0brang B0ring nman!!! sana 1-2 article 0k na 0A nman t0 the max… I’m n0t a hater per0 everyday k0 inaabangan ang h0t issue d2 per0 pgka-0pen k0 Eb lng karga?? Pagtyagaan k0 nlng basahin lhat ng article sa PEP.ph atleast madami selecti0n tlga ^^ Haaaayy Anu ba yan Pin0y Parazzi… sa Wiki ni0 dapat ilagay t0ng article na ‘
    t0!!

  3. Kailangan i-promote ang EB dahil nilalampaso sila ng WOWOWEE. Sa 30 years nila, now lang nila ito ginawa. Kaya U will know there motif di ba?

    Malaking kasiraan si Joey DeLeon sa EB. Siya ang sumira sa credibility ng EB for 30 years.

    Dapat nun pa sila gumawa ng paraan ng magsimula ang WOWOWEE nung 2005 pagdating ng 2006 eh #1 na ito until now. Naka-establish na sila so pano nila ito maayos. I think, itong pag promote nila sa Pinoy Parazzi at sa iba pang online site. Ay isa sa mga way of promoting EB. Ok yan. Dapat continous lang ang pag-promote.

    Pero in my opinion, babalik lang ang sigla ng EB sa ratings pag nawala si Joey DeLeon at yung iba pa nilang kasama sa show. 2nd, gayahan na nila ung format ng Willie of Fortune. Tutal uso naman ang gayahan ngayon. Like ung Talentadong Pinoy na madami ng gumagaya. 3rd, mag-reformat sila totally.

    For sure may magr-react sakin pero ito ang totoo. Wag kayo maniniwala sa Mega-Manila ratings ng GMA-7. Isang patunay nyan, lahat ng mga movie ng talents nila ay puro FLOP. Kahit anong press release ng GMA-7 using media o press eh kitang-kita naman pag gagawa ng movies ang mga talents nila na flop palagi. Isa pa kaunti lang ang donation nila para sa ONDOY dahil mas naniniwala ang mga bigatin kumpanya at mga tao pati sa ibang bansa sa ABS-CBN Foundation binibigay. Dito makikita kung sino talaga pinaniniwalaan ng tao. Ang kasikatan ng GMA-7 at dahil sa tulong ng media o press lamang. Dahil di nila matanggap talo sila, ang ginawa nila eh inintriga ang Sagip-Kapamilya. Nagkalat ng mga negative text messages. Tama ba yun. Ugali na talaga yan ng KAPUSO ever since as part ng marketing nila. Para sakin tama yun ganung marketing strategies.

    • “’Pag sinabi mong Eat… Bulaga!, ‘yong talagang napapangiti ang tao. Malaki ang naitulong niyan. Maraming naitulong financially. Maraming na-open na oportunidad. Maraming napasikat ang EB. Makikita mo talaga na it’s a show with the heart.”

      “Ang mahalaga naman kasi, ‘yung sincere ka sa pag-e-entertain. Masarap ‘yung feeling namin ‘pag napapasaya ang aming audience, ‘yun ang aming collective sense of fulfillment, lalo ngayon, ‘di ba, mahirap ang buhay?”

      providing no-nonsense entertainment is a moral responsibility. Without throwing brickbats at its rival noontime program. “Tayo naman kasing mga Pinoy, basically, masayahin. Pero ang pagpapatawa kasi, dapat may puso rin, hindi mo iniinsulto ang tao, iginagalang mo anupaman ang antas niya sa lipunan.”

      yan ang wala sa paborito mong WOWOWEE

Leave a Reply

Your email address will not be published.