SI GL DIKO ESTRELLA AT SI REP. MAGSAYSAY

MAGALING DIN NAMAN ang “tinahi” na panga-ngatuwiran nitong si AVE partylist Rep. Eulogio “Amang” Magsaysay kaugnay sa reklamo laban sa kanya ng isang attendant ng Philippine Air Lines o PAL.

Ang kasong ito, parekoy, ay kaugnay sa insidente sa loob ng PAL noong Disyembre 17 ng nakaraang taon habang papuntang Los Angeles ang nasabing eroplano sakay ang mga anak at mismong si Rep. Magsaysay.

Heto, parekoy, ang pangyayari: Habang lumilipad ang eroplano ay humirit si Rep. Magsaysay kay flight attendant Sarah Bonin Ocampo kung maaari raw maging katabi niya sa upuan ang kanyang mga anak.

Noong sinabi ni Ocampo na hindi siya ang maaaring magdesisyon ukol sa bagay na ‘yon, nagalit na si Rep. Magsaysay at pinagmumura siya!

“Menopausal bitch! Hindi mo ba ako kilala? Ipatatanggal kita sa trabaho!” Words to that e-ffect.

Ang palusot naman ni Magsaysay, noong mag-request daw siya na kung maaari niyang makatabi ang mga anak niya ay agad daw pinagtaasan siya ng boses ni Ocampo.

Para sa akin, impertinente, parekoy, ang palusot na ito ni Magsaysay. Sa kanyang request, dalawa lang ang maaaring maging reaction ng flight attendant… pagbibigyan o hindi, pero ano naman ang magiging dahilan ni Ocampo para sigawan pa talaga si Magsaysay kung hindi na nga niya ito mapapagbigyan?

Tsk, tsk, tsk… napakababaw na palusot, parekoy. Klarado na noong hindi napagbigyan ang kanyang kahilingan ay nagalit na itong si Rep. Eulogio “Amang” Magsaysay… ang mayabang na menopausal bitch!!! Pwe!

NARARAPAT LANG, PAREKOY na siliping mabuti ni PNP Director General Raul Bacalzo ang magmula sa Provincial Director ng Bulacan hanggang sa mga Chief of Police.

Kasi naman, talagang talamak ang iligal na sugal partikular ‘yang Jueteng sa halos lahat ng munisipyo ng Bulacan.

Ang itinuturong utak o gambling lord ay isang “Diko Estrella”.

Ayon sa source, hindi lamang sa mga alkalde at chief of police ang “lagayan” umaabot daw ito sa mismong tanggapan ni Bulacan Governor Willy Alvarado.

Dapat siguro, parekoy, maging si DILG Secretary Jesse Robredo ay nararapat lamang na mag-imbestiga na sa bagay na ito!

INAANYAYAHAN KO PO kayo na makinig sa a-king radio program na ALARMA Kinse Trenta mula Lunes hanggang Biyernes tuwing alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa dzme 1530 kHz (dulong kanan ng inyong talapihitan).

Sa programang ito ay inyo pong maririnig ang PAREHAS at WALANG TAKOT na pambabatikos sa mga kagaguhan ng mga taong gobyerno!!!

Maari rin ninyong i-text ang anumang sumbong o reaction sa 0915-2121303 o mag-e-mail sa junbriones69@yahoo.com.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.