Si Ethel Booba

 

ANG ESPOSA NG inyong SHOO-TING RANGE ay isang masugid na tagahanga ni Ethel Booba. Ito ay dahil mahilig manood ng mga stand-up comedy shows ang a-king asawa at hanga siya sa ga-ling ni Ethel sa pagpapatawa.

Sa mga nakaraan kong birthday celebrations madalas na naiimbitahan bilang celebrity guest performer si Ethel. At sulit naman ang pag-iimbita sa kanya dahil napapasaya niya ang mga bisita. Pero noon iyon.

Kamakailan, ‘di alintana ang malaking ipinagbago ni Ethel. Naalala ko tuloy ang isa sa mga paborito kong Hollywood singer na si Whitney Houston, isang mahusay na mang-aawit at aktres. Noong mara-ting niya ang tugatog ng kanyang kasikatan, naging boyfriend niya ang isang rapper at biglang bumulusok ang kanyang career. Nalulong siya sa droga at nalugmok siya sa patung-patong na mga problema.

Hindi ko alam kung ano talaga ang problema ni Ethel dahil hindi naman ako updated sa showbiz tsismis. Pero alam kong meron siyang malalim na gusot na dapat niyang ayusin at plantsahin bago pa man mahuli ang lahat.

Nitong huling birthday celebration ko noong March, isa si Ethel sa mga taga-showbiz na kinontrata at binigyan ng paunang bayad ng aking asawa para mag-perform. Sa takdang araw, bukod-tanging si Ethel lamang ang no-show. Pumutok na lamang sa balita kinabukasan, pagkatapos ng celebration, na nagkaroon ng malaking problema si Ethel at tinangka niyang sunugin diumano ang kanyang condo unit. Iyon pala ang dahilan kung bakit hindi siya nakasipot.

Ngunit sadyang mapagpatawad ang aking asawa at madali siyang makalimot dahil makaraan ang i-lang linggo, inirekomenda niya si Ethel sa kanyang kapatid para maging isa sa mga celebrity performer sa town fiesta sa Luna, Isabela.

Sa takdang araw, sa muli, no-show si Ethel sa kabila nang nakapagbigay na ng paunang bayad ang mga organizers ng nasabing town fiesta para sa talent fee ni Ethel. Nabayaran na rin ang kanyang round trip plane ticket at hotel accomodation.

At noong April 30, Sabado ng gabi, ako ay niyaya ng aking misis kasama ang aming mga anak at staff para panoorin ang show ni Ethel sa Punchline. Nang gabing iyon, si Ethel ang ibinabandera ng Punchline bilang special guest performer sa kanilang primetime. Maraming mga nanood. Kasama na rin sa sadya ng aking asawa sa pagpunta sa Punchline ng gabing iyon ay para singilin si Ethel sa kanyang mga pinaggagawa.

Pero pagsapit ng primetime biglang inanunsyo ng Punchline na hindi makakarating si Ethel. Isa sa mga staff ng Punchline ang nakapagsabi sa aking asawa na may problema lang daw si Ethel kaya hindi makakarating.

In fairness kay Ethel, absuwelto siya sa anumang ligal na pananagutan dahil hindi siya ang pumirma sa kontrata lalo na para sa kanyang performance sa town fiesta sa Luna, Isabela kundi ang scout ma-nager na si Jimmy Cruz a.k.a Jaimee. Si Cruz ay nakatakdang sampahan ng kaso sa munisipalidad ng Luna.

 

Ang inyong SHOOTING RANGE ay mapapakinggan sa WANTED SA RADYO sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes-Biyernes, 2:00-4:00 pm. Kasabay na mapapanood ito sa Aksyon TV sa Channel 41. Channel 1 sa Cignal at Channel 7 sa Destiny. Channel 61 naman sa Sky.

 

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.