Si Erwan Heussaff na ang gustong makatuluyan, pero…
Anne Curtis, takot na mauwi sila ng BF sa hiwalayan!

PERFECT COUPLE sina Anne Curtis at Erwan Heussaff dahil hanggang ngayon going stronger ang kanilang relationship. Last month magkasama nagbakasyon ang dalawa sa Europe. Every year humihingi ang dalaga ng month off para makapag-unwind at mag-recharge. Ang favorite destination niya ay Europe pero this time they went to Portugal and the South of France plus Monacco kasama ang ilang kaibigan.

Pinagdarasal ni Anne na sana si Erwan na ang makakatuluyan niya at makasama habang buhay. Masaya siya kapag kasama niya ito pero ayaw niyang mag-expect. Hindi siya nakakasiguro baka sa bandang huli mauwi lang sa hiwalayan. Wala pa si-lang balak magpakasal ni Erwan, they both enjoy the relationship. “Naalala ko, sabi ko, I’ll get married when I turned 25 that was the time na kami pa ni Sam (Milby). Pero wala nga nangyari and I’m 27 now. Siguro three years from now pa ako magpapakasal when I turned 30 years old,” say ng singer-actress.

 

PURING-PURI SI KC Concepcion sa husay at galing nito bilang host ng “X- Factor Philippines” ng ABS-CBN. Naka-move-on na nga ang singer-actress dahil may kakaibang glow sa kanyang mga mata nang makita at makausap namin nang personal. Nangangahulugan kayang may nagpapasaya ngayon sa dalaga at naka-recover na sa traumatic experience na naranasan niya sa ex-boyfriend na si Piolo Pascual. Naging honest si KC nang sabihin niya sa movie press na malaking bahagi si Pierre Emmanuel Plassart  (29 years old French photographer at filmmaker) kung bakit maligaya siya ngayon. Maging si Sharon Cuneta, botong-boto kay Pierre para sa kanyang anak na si KC.

Pero may nararamdaman pa ring takot si KC na makipag-relasyon uli dahil sa pinagdaanang hindi maganda, pati na rin ang family niya, last year. Hindi siya nagmamadali, hindi kailangan maging sila agad ni Pierre para masabing may bago siyang pag-ibig.

“Hindi ko iniisip kung kailan officially p’wede ko siyang sagutin. Natatakot pa rin ako dahil sa pinagdaanan ko. I’m going with the flow kung ano ‘yung magiging relationship,” say ni KC.

Kung sakaling maging sila ng French guy, magiging long distance love affair.

“Ang hirap because we’re not even in the same country. So, paano pagaganahin? But let’s wait, we’ll see. I’m not in a hurry naman,” dugtong pa niya.

As much as possible,  gusto ni KC na maging private ang kanyang personal life. Kung anuman ang maging kaganapan sa namumuong relasyon nila ni Pierre, hindi niya ipagkakait na sabihin ito in public.

“He’s not artista. Wala naman siya sa showbiz para gawin kong public ‘yung buhay niya. So, I wanna give the public enough para lang involve kayo. Pero ayo-ko kasi, kawawa naman ‘yung tao, private citizen ‘yun,” paliwanag ng dalaga.

Sinabi ni KC kung sakaling magkaka-boyfriend uli siya, mas okay sa kanya hindi taga-showbiz. “Siguro someone who will understand my work. You’ll never know when you’ll fall in love. Kahit sabihin mong ayoko nang ganyan, ‘pag na-in love ka, wala na, ‘di ba?”

It’s shows, happy ngayon si KC sa kanyang career at lovelife. “Siguro, secure. I’m happy naman knowing na ‘yung hard work really does pay off na kahit paano parang mas relax na rin ako, kasi naibahagi ko ‘yung isang part ng buhay ko na hindi masyadong naging maganda. Hindi na ako masyadong natatakot mag-share. We’re all living our lives. May natututunan ako from you, may natututunan din kayo from our lives. So, I’m happy na, happy ako,” pahayag niya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.