SI DIREK DOM ZAPATA ANG INSPIRASYON! EUGENE DOMINGO, KINAKARIR ANG PAGPAPAPAYAT!

ITINATANGGI MAN NIYA, halos lahat ng nakakakita ngayon sa sexy’ng figure ng komedyanang si Eugene Domingo eh, ina-attribute sa pagiging inspirado raw nito sa kasalukuyan na ang itinuturong dahilan eh, ang isa sa director ng trilogy’ng My Va-lentine Girls na si Dom Zapata.

Sabi kasi ni Eugene, two years na niyang tinatrabaho ang pagpapapayat niya. Kaya sumailalim na rin siya sa South Beach diet, walang puknat na ehersisyo, and recently nga, ang pagpapa-‘plantsa’ raw ng mga taba niya sa katawan.

Sawa na raw kasi siya sa pagiging mataba. At sarili naman niyang desisyon ito. Dahil healthy naman ang prosesong dinaraanan niya.

Pero hindi nakakaligtas sa nakikita ng press ang kakaibang closeness nila ng nasabing director, na sabi rin ni Uge eh, siyang tanging lalakeng close friend niya sa ngayon dahil lahat nga raw ng kaibigan niya eh, mga bading.

Pero sabi ng isang miron, dati, sa sinasabi niyang mga kaibigan niyang pawang gay lahat eh, nagkainlaban sila ng isa ring gay. At isa rin itong director.

Kaya, hindi naman daw siguro malayo na ma-in love na ngayon si Uge sa isang tunay na lalaki na close rin niya.

Sa bibig na rin ni Uge na nagmula na very sweet sa kanya si Direk Dom, although si Chris Martinez ang director nila ni Richard Gutierrez sa episode na “Gunaw” at sa ibang episode naman nakatoka si Direk Dom. Kaya, gusto rin daw ni Uge na magka-trilogy siya para maidirek din siya ni Direk Dom.

Maitanong ko nga, nauuso ba na nai-

in love ang mga komedyana o napo-fall ang mga komedyana sa mga director na ka-close nila?

Ai, naku! Parang candidly lang, ha?

NAHATAK NAMAN NAMIN ang manager ni Baron Geisler na si Arnold L. Vegafria sa Chinese New Year pa-party ni Mother Lily Monteverde sa Imperial Palace Suites para makumusta ang kanyang alaga.

Sabi ni ALV-nagpa-extensive medical check-up sa Medical City si Baron. Negatibo naman ang resulta sa lahat ng tests na ginawa rito, pati na sa drugs at HIV, at sa alcohol nga lang ito bumagsak at nagpositibo.

Kaya ngayon, nasa isang rehabilitation center na si Baron at mananatili roon for three months. Sinabi rin ni ALV na si Baron ang sumagot sa lahat ng kailangan niyang gastusin para ma-treat na ang addiction nito sa alcohol.

Kung sakali man daw na ipatawag si Baron para sa mga hearings sa mga kinakaharap pa nitong mga kaso, that will have to be arranged with the rehab center ng kanyang mga abugado. So far, hindi pa raw alam ni ALV ang mga arrangement ng mga lawyers nito.

Isang buwan munang hindi maiistorbo sa loob ng rehabilitation center kasi si Baron. Kahit ang pamilya niya na naghatid sa kanya sa pagpasok niya roon eh, after a month pa siyang mabibisita uli.

Kung nakita ang pagkabahala kay Baron na baka hindi na siya tanggapin ng publiko sa ma-ikling panahong mawawala siya, positibo naman si ALV na with good projects, at sa nakikita naman daw nila na tiwala pa rin ng marami sa kakayahan ni Baron bilang isang actor, na hindi naman ito tuluyang mawawala.

Si ALV rin ang nagsabi na sinabihan na siya ni Mother Lily na may mga proyekto itong ibibigay kay Baron kapag nakalabas na siya sa rehab center at okay na.

But what about the cases?

“Haharaping lahat ‘yun ni Baron. Wala pa naman tayong puwedeng sabihin about it dahil may proseso ngang daraanan. Siyempre, gusto niyang ‘pag labas niya, there’s work to do. Dahil ang ginastos niya sa pagpasok niya eh, pera niya. Pera niyang inipon niya para sana sa pagpapagawa ng bahay para sa mom niya. Let’s just hope for the best na maayos ang lahat ng gusot.”

The Pillar
by Pilar Mateo

Related Post

loading...

One thought on “SI DIREK DOM ZAPATA ANG INSPIRASYON! EUGENE DOMINGO, KINAKARIR ANG PAGPAPAPAYAT!

  1. Pingback: Fitness events | Crash Diets that Work

Leave a Reply

Your email address will not be published.