Si Cristine Reyes ang nagbuking: Mag-on sina Aljur Abrenica at Bianca King?

NAABUTAN NAMIN NU’NG kamakalawa sa shooting ng In Your Eyes nina Claudine Barretto, Anne Curtis at Richard Gutierrez ang isang maselang eksenang kinukunan nila.

Love scene ‘yun nina Richard at Claudine at take one lang naman kaya mabilis nila itong natapos.

Aminado si Richard na nandiyan ang naramdaman niyang kaba dahil malaking honor daw sa kanya na nakasama niya sa pelikula si Claudine. Pagkatapos ngayon, ka-lovescene pa niya ito.

Kahit si Claudine ay halos ganu’n din ang naramdaman niya dahil nakilala na raw niya si Richard mula nu’ng bata pa ito kaya medyo naiilang daw ito.

“Maliit pa iyan, sila ni Raymond na nakakalaro ko pa sa bahay nila sa White Plains. Tapos si Tita Annabelle, talagang naghahanda ng food para sa aming lahat. Ngayon nakaka-love scene ko na, kaya nandiyan ang ilang pa. But Richard is a great actor, magaling siya kaya makakakampante rin kami,” pahayag ni Claudine.

Ilang araw pa ang kukunan nila rito sa Maynila at by the end of May ay lilipad sila pa-Amerika para mag-shooting doon.

Dagdag pang kuwento ni Claudine, nakakantiyawan daw madalas doon sina Richard at Anne dahil mukhang malaki raw ang magagawa ng pelikulang ito para magkabalikan ang dalawa.

Napabalita noon na mukhang magkakabalikan daw sina Richard at Georgina Wilson pero nang tinanong naman ang huli, hindi raw siya ang makakabalikan kundi mas posible raw si Anne.

Napangiti na lang si Richard nang tinanong namin tungkol dun. “Siguro we’ll just wait ang see na lang. Maganda naman ang friendship kahit wala na kami. We’ll see,” napapangiting pahayag ni Richard.

Pinaghandaan naman ni Richard na sa promo ng pelikula nila, tiyak na mauungkat ang tungkol sa kanila ni Anne. Pero tingin naman namin, hanggang sa promo ng pelikula na lang iyan dahil tahimik lang talaga si Richard. Pero obvious namang in love pa rin ito kay Jewel Mische.

Totoong inspired daw siya ngayon pero mas mabuting nasa kanya na lang daw muna ‘yun.

Nakikita naman si Jewel kasama ang pamilya ni Richard na mukhang tanggap naman nila ang young actress. “Eversince naman very supportive ang family kahit sa lovelife ko,” dagdag na pahayag ni Richard.

PAGKATAPOS NG THE Last Prince, magkakanya-kanya na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal, pero hindi ibig sabihin na tapos na raw ang kanilang loveteam.

Tuloy pa rin daw ang friendship nila at nanatiling close pa rin sila.

Isang drama sa GMA Telebabad ang susunod na gagawin ni Aljur ka-partner si Rhian Ramos. Kaya panay raw ang kantiyaw ni Kris sa young actor, dahil matagal na pala nitong crush si Rhian.

Sa launch ng bagong CD lite ni Aljur sa Toyz Bar nu’ng kamakalawa ng hapon, naitanong namin ito sa kanya at aminado nga siyang matagal na niyang crush si Rhian, kaya excited na raw ito sa susunod na project na pagsasamahan nila.

Aware din si Aljur na meron na ring special someone ngayon si Kris at napapag-usapan naman daw nila ito.

Ayaw lang sabihin ni Kris kung sino ito, pero aminado siyang merong nagbibigay sa kanya ng inspirasyon. Pero mas focused daw siya ngayon sa trabaho at nandiyan pa rin naman daw si Aljur na nagbibigay din ng inspirasyon sa kanya.

Kahit anong pilit namin kay Kris kung sino ito, “secret” lang ang sagot ng young actress. Pero sa kakalkal namin, nalaman naming si Jay Perillo pala ito ng bandang kasali sa Comedy Bar. Hindi pa rin kami sinagot ni Kris tungkol diyan.

Back to Aljur, totoo kayang sila na raw ngayon ni Bianca King? Si Cristine Reyes ang nagbuking nito sa Twitter account niya.

By Gorgy’s Park

Previous articleHappenings: 7G TSC Final in Tokyo Screening (Always Keep the Faith)
Next articleJohn Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, nagli-live in na?!

No posts to display