Si Coco Martin ang bagong Panday!

Coco Martin (Rodel Nacianceno) with the staff and crew of the upcoming movie ‘Ang Panday’

YESTERDAY (June 22) ang first shooting day ni Coco Martin ng kanyang first directorial job na ‘Ang Panday’.

 
Pero bago nagsimula mag-shooting ay dumaan muna siya sa North Cemetery sa may La Loma sa Kyusi para mabigay pugay at magpasalamat sa puntod ng original na Panday na si Fernando Poe Jr.
 
Wala masyadong detalye ang nakita namin na photo posting sa Instagram
account ng aktor. Ang pagdalaw niya na sinundan naman ng group picture kasama ang mga production staff at may hawak-hawak ito na maliit na white board na ang nakasulat: ”Panday June 22, 2017. Director: Rodel Nacianceno (tutoong pangalan ni Coco) at ang katagang “establishing shot”.
 
Sa mga millennials na walang ideya kung ano “Ang Panday”; isa itong komiks serye na sinulat at dinubuho (illustrated) ni Direk Carlo J. Caparas.
 
Ang Panday ay si Flavio, the good guy na tagapagtangol ng mga inaapi, ng mga  maliliit at ng mga mahihirap. Siya ang kaaway ng masama na si Lizardo.
 
Kumbaga, si Flavio ang ”Super Hero” na Pinoy na Pinoy ang karakter.
 

Coco Martin visits FPJ

Kung si Superman ay lumilipad at si Thor ay nagkakaroon ng super power with his hammer (o maso); si Flavio naman,  nakukuha niya ang magical power sa espada na ginawa niya mula sa isang “falling star” na natagpuan niya.

 
Hindi ko alam kung ang makabagong ”Panday” ay may halong pantasya pa rin tulad noong kapanahunan ko na ang nakakalaban ni Flavio ay mga kampon ng kadiliman.

Matapos sana ang ang shooting ang pelikula just in time for the deadline para sa mga interesadong sumali sa Metro Manila Film Festival 2017 at mapili sana ng MMFF screening committee.
 
Habang isinusulat namin ito ay wala pa kami impormasyon kung sino ang magiging leading lady ni Coco sa pelikula na ididirek nya.
 
Next issue, ang kuwento ni Direk Carlo Caparas na nakausap namin today at ang detalye kung bakit aprub sa kanya si Coco Martin as the millennial “Ang Panday”.

Reyted K
By RK VillaCorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.