Si Boy 2 Quizon raw ang ama Ruffa Mae Quintos, buntis?!

ALAM NA ALAM ni Rufa Mae Quinto, na sa mga panahong ito, sa tuwing lalabas siya at makikita ng kanyang mga friends sa showbiz ay iisa ang paboritong tanong: “Buntis nga ba siya?” Ito kasi ang biglang tsismis na kumalat tungkol sa kanya, pero ayaw pa naman niyang aminin nitong mga huling araw, kaya nag-aantabay lang ang mga interesado sa lovelife ng seksing komedyana kung sa kanyang programang Showbiz Central ng GMA-7 ay mag-aanunsiyo at aamin siya.

Nakakasabik din siyempreng madinig ang panig ni Rufa Mae sa kanyang pag-amin. Kung totoo kasing buntis nga siya, mas marami ‘yung matutuwa kesa mabibigla. Una nga sa lahat, hindi na siya pa-bata. Seksi lang at maganda siya, pero nagkakaedad na talaga siya. Ganyan lang si RMQ na lokayda sa kanyang pag-arte sa kanyang mga nilalabasang programa o pelikula. Pero sa totoong buhay, napakabait niyang tao, kaya tsikahan ng kanyang mga kaibigan ay dapat na rin niyang asikasuhin ang kanyang sariling kaligayahan.

Tungkol sa tsikahang buntis si Rufa Me, ay si Boy 2 Quizon ang sinasabing nakabuntis daw sa kanya. Eh, ano namang masama? Matagal na silang magkakilala at magkaibigan, na kumportable sa isa’t isa, dahil magkasama sila sa gag show na Bubble Gang at ang pagkikilala nila ay dahil na rin sa isang taong naging malapit sa kanilang dalawa, ang beteranang manunulat na si Tita Nene Riego, na dati ay tumayo ring talent manager ni Boy 2, at malapit sa lolo niya at Comedy King na si Mang Dolphy.

 

KASAMA SI ENCHONG Dee sa listahan ng mga aktor na mayroong sikat na kapareha sa bawat programa at pelikula na kanyang ginagawa, na naniniwalang hindi naman kaila-ngang magligawan at magkaroon ng relasyon ang magka-loveteam para pakiligin ang kanilang mga fans. Totoo naman iyon sa kaso nila ni Erich Gonzales, dahil ilang ulit na silang nagkasama sa mga proyekto at patok iyon kahit pareho nilang pinaninindigan na hindi sila nagliligawan, kundi trabaho lang.

Kaya nga, walang dating kay Enchong ang intrigang nagseselos siya sa Thailand’s Superstar na si Mario Maurer na makakapareha ni Erich sa pelikulang Suddenly It’s Magic ng Star Cinema na magsu-shooting sa ibang bansa. Magkasama pa rin naman kasi ngayon sina Enchong at Erich sa teleseryeng Maria La Del Barrio, kaya buong-buo pa rin ang kanilang friendship. Manhid na rin ang guwapong aktor sa mga tumitira sa kanya kung bakit wala pa siyang girlfriend hanggang ngayon.

Nakatutok lang si Enchong sa kanyang kasipagan sa trabaho, at nagbubunga naman iyon ng magandang resulta, dahil nominado siya sa kategoryang Best Single Performance By An Actor sa dara-ting na 25th Star Awards For Television na gaganapin sa November 22 sa Resorts World Manila. Napansin ng PMPC ang pagganap ni Enchong sa episode na ‘Parol’ ng Maalaala Mo Kaya, kung saan buong husay niyang ginampanan ang papel ng isang bulag na sobra ang pagpapahalaga sa mga ari-ariang pamana ng yumao nilang mga magulang. Dito napansin na talagang aktor na ang brother ni AJ Dee.

 

PERSONAL: BELATED HAPPY birthday sa aming kapatid sa Philippine Movie Press Club na si Ate Blessie Cirera. Hindi ko siya malilimutan, dahil nu’ng magbalik-showbiz ako, siya ang pangalawang editor na tumanggap sa akin para magsulat.  Maalaga siya sa kanyang mga kolumnista, kaya nag-apply ako sa kanya dahil sa pagpapakilala ni Kapatid na Rommel Placente. Naging dalawa ang hinahawakang diyaryo ni Ate Bless, kaya dalawang kolum ang ibinigay niya sa akin.  Inirekomenda pa niya ako sa isa niyang friend na editor, na ang diyaryo ay nalalathala rin sa ibang bansa. Kaya papaano ko namang hindi irerespeto at mamahalin ang isang Blessie? Labyu, Ateh!

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

4 thoughts on “Si Boy 2 Quizon raw ang ama Ruffa Mae Quintos, buntis?!

  1. Maraming sideline si Ruffa Mae at very expensive daw siya acdg ke alfie hehehe or baka si Mickey alyas Mr. M lang pala ang tatay ng pinagbubuntis nya( yan ay kung talagang buntis siya hehehe)………

Leave a Reply

Your email address will not be published.