SI ANNABELLE RAMA ANG ‘REYNA’ NG TV5!

OLACHIKKA! Thank God it’s Friday! Bongga ang inyong Tita Swarding dahil fly away na ang lola n’yo papuntang Cebu. Live na live talaga nila akong makakasama sa DYRC Cebu, ang no.1 station doon. Ang taray ng lola n’yo! Siyempre, kasama ko ang aking co-host na si Ivy Batulajar. Abangan n’yo kami d’yan!

At siyempre,  hindi pa rin mawawala ang ating chikka! ‘Eto na. Hindi pala si Cristy Fermin ang reyna ng TV5? Alam n’yo ba kung sinech? Si Annabelle Rama!

Halos lahat na ng talent ni Bisaya ay pilit na isinaksak sa Kapatid network. ‘Eto pa, hindi raw puwedeng maging ‘kapatid’ ang galing sa Dos at Siyete kung walang basbas ni Annabelle! Yes, siya ngayon ang makapangyarihan sa Kapatid network.

Ang tanong: alam kaya ‘yan ni MVP?!

TSUTSUGIHIN na raw ang Juicy at iba pang show ni Cristy? Wala naman daw kasi silang sponsors. Dahil wala na rin daw nagtitiwala sa mga programa ni Cristy. Puro paninira at personal interest lang daw ang sinasabi niya sa kanyang programa. Puro plugging na siya lang daw ang kumikita! Kung totoo man ito… beh, buti nga! Hahaha!

Ibalik na lang ang dating Juicy na sina IC Mendoza, Alex Gonzaga, Pete Ampoloquio, Rey Pumaloy, at Morly Alinio ang hosts.

Kapag tinatawagan ako noon ni Liza Andaya para mag-guest, go ako! Kahit walang talent fee. Ngayon, kahit bayaran ako ng milyon, hindi mo ako mapapapunta d’yan! Ayokong makasama si Cristy, ‘no! Baka mademanda pa ako at magkaroon ng kaso. Hahaha!

Naku, lahat naman ng shows ni Cristy, hindi magtatagal! Pustahan!

BLIND ITEM:  Sinech ang aktor na ito na naging host din ng isang game show na nagbo-‘booking’ na rin pala?

Lumalapit siya sa handler ng dancers ng isang show para mai-booking niya ang mga ito. Kaya lang, itong isang baguhang dancer, hindi bumigay! For more clues, makinig sa aking programa sa DWSS 1494khz, Lunes hanggang Biyernes, 11:30-12:00 ng tanghali, kasama ko ang aking anak na si Lady Camille. Subaybayan din ako tuwing Linggo sa DZRH 666khz, Linggo 2:30-3:30 ng hapon.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

5 thoughts on “SI ANNABELLE RAMA ANG ‘REYNA’ NG TV5!

  1. Kung totoo man ito about Annabel, WHAT'S NEW! Limelight hugger is my opinion about her. Parang ang mga alaga lang nya ang may karapatan. OH MY GOSH! This woman is so full of herself and so much hatred inside her, she needs to go see a psychiatrist to see if she has a BIPOLAR DISORDER, MANIC DEPRESSIVE DISORDER, PSYCHOTIC DISORDER, SCHIZOPHRENIA or ATTENTION DEFICIT DISORDER para magamot at mabawasan ang evil-like attitude dito sa mundong ito! She has so much money now that she can afford to go to school to learn about good manners and right conduct. SHE IS SO palaaway and eskandalusa, parang walang pinag-aralan, hindi man lang inintindi na ang husband nya at mga anak ay nasa showbiz and what she does will certainly affect them directly and not only to therm but also to her other talents. Nakakahiya! She goes around thinking she is this high and mighty and powerful not knowing people are disgusted with her, NAKAKASUKA!

  2. i so agree w/ u tita swardz. Mas gusto ko pa ung juicy na c alex lng kering2x nya naman ung show. Ewan bat dinagdag ang TH magpaka gurlaloo na c IC.

    Parang nawalan tuloy ng CLASS at CREDIBILITY ang JUICY nung pinasok c cristy fermin (cf), shalala at dj mo. The way they degrade and demoralize d people in their BI only shows what kind of persons they are (cristy, shalala, mo, ic).
    Sana manalamin muna sila bgo cla manira ng kapwa nla.

    C ALEX para nlng galamay ni cristy d way sinet up ang show. Feeling talaga ni CRISTy xa ang reyna kc nsa gitna xa.

    Natatawa tlga ako sa pagka BITTER ni CF kay Piolo P. D lng nbgyan ng gft dinibdib na sobra. D mka move on pti sa ABS CBN bitter na bitter p rin.

    Npaka plastic ni CF ramdam ko d nya feel ang gonzaga sisters especially toni. Maniniwala ka frnds na cla ni dj mo?

    User din xa, kung saan my mahihita xa don xa kampi. Isa na jan c wili.

    Ito namang c shalala feel na feel na BI queen xa! Pawag ka nyan tita swardz?

    Hay nku, ibalik kay ALEX ang JUICY!

  3. wahahahaha,.sino ba si anabel at cristy para sabihing reyna ng tv5??funny kayo!..star ba sila,sila ba ang nagpapasok ng pera sa tv5,may show ba si anabel na nag rarate,clean image ba sya,,may apil ba sya sa tao,,gusto ba sya ng tao,,maayos ba sya,,etc,,yan ang mga tanong e para sabihing reyna ka,,o hari ka

    wala naman ganyan e,,ang tv5 pa naman mas proffesional wen it comes in work at stars,.work is work,,lahat fair!natural,,kung sino ang gusto ng tao ,yun ang ilalagay jan,,anumang ipilit ni anabel na isaksak ang isang star jankung ayaw naman ng tao wala din,,sayang sa tym at effort!yung may mass apil at maayos na star dapat,,may talent!,.manager lang si anabel,di rin sya kikita kung di rin tipo ng tao ang isang star nya,,so nasa tao po ang pasya!.wala sa istasyon!.

    e,kapag nega ang image mo sa tao,nasira ka sa tao,,tlagang aayawan ka nyan,,babatikusin ka,,ang tao panaman now matalino na,,ayaw nila sa stars na sira ang image o malaswa,if so,batikos abot mo,,hanggang lumubog ka,,kaya todo ingat mga stars now,,

    sa totoo lang,,hirap tlaga ang mga shows ni cristy,,yun lang,,dahil sa dami ng nega na isyu sa kanya,,kaya hirap,,di malayong mawala din soon mga show na iyan,,mahlaga kase ok ang image mo sa tao,,sincere aat maayos ka,at the end,work is work,,wag pasira sa showbiz,yun lang!

    sa tv5,love ko si JC DEVERA,.COGIE DOMINGO,,JOSEPH BITANGCOL,,ALICE DIXSON,etc,ok sila,ok lang magsama mga stars ng 2at 7 dito,maging mga past stars nakikita muli dito,,ok sa casting ang tv5,..dun ako bilib,,sana kunin nila si STEF PRESCOTT,NADINE SAMONTE,PRINCESS SNELL,MAGIE WILSON,DIANA ZUBIRI,etc,..love them,.work lang po,,

Leave a Reply

Your email address will not be published.