Si Adarna at si Adonis

ISANG LALAKING boss sa isang ahensya ng pamahalaan ang usap-usapan ngayon ng kanyang mga tauhan. Kamakailan, biglang naging kapansin-pansin ang mga pagbabago daw kay Sir tulad na lang ng pamumula ng mga pisngi nito.

Sa simula, inakala lang nila na medyo na-sunburn lamang ang kanilang Sir. Pero nu’ng naging

madalas na ang pagiging rosy cheeks ni Sir, doon pa lamang nila napansin na ito pala ay gumagamit ng astringent.

Hindi tulad noong panahon na tanging mga babae lamang ang gumagamit ng astringent, ngayon ginagamit na rin ito ng mga kalalakihang bagets para maging kutis porselana ang kanilang mukha.

Pero ang ahensyang pinamumunuan ni Sir ay isang ahensya na dapat ang mga nagpapatakbo ay mga astig at barako dahil ang mga taong binabantayan at tinutugis dito karamihan ay mga manloloko,  kaya hindi nababagay sa kanya ang maging malambot ang porma sa pamamagitan ng pagpupumilit na magkaroon ng pisngi na kutis porselana.

 

MADALAS DAW ngayong makita si Sir na kasa-kasama ang isa sa kanyang paboritong poging opisyal. Kahit saan pumunta si Sir, palagi raw niyang isinasama ang kanyang apple of the eye na ito – sa kanyang pag-iikot, sa mga office meeting at dinner meeting.

Kung ang ididepensa raw ni Sir na may kinalaman sa trabaho ang madalas pagsama niya sa paboritong opisyal niyang ito, hindi raw puwede dahil malayo sa job description ni apple of the eye ang sumama sa mga official activitiy ng kanyang Sir. Makailang beses na rin daw napansin ng mga tauhan ni Sir na pumipilantik ang kanyang mga kamay kapag nagmumuestro lalo pa kapag kasama raw niya ang kanyang apple of the eye.

Sino si Sir? Clue: ang kanyang first name initial ay “R”, as in rosy cheeks. Ang last name initial niya ay “B”, as in blooming. Ang apple of the eye naman daw ni Sir ay may first name initial na “J”, as in joyful – joyful si Sir kapag kasama niya ito. At ang kanyang last name initial ay “T”, as in thankful – thankful si Sir kapag kapiling niya ito.

 

ITO NAMANG isang kilalang lalaking bachelor na government official ang usap-usapan ngayon sa isang media company.  Ang paborito raw ligawan ngayon ni Sir ay iyong mga tsinitang mestisa.

Come and go raw ang mga nililigawan at nagiging girlfriend ni Sir. Madali raw magsawa itong si Sir sa girlfriend at wala pa sa history niya na umabot ng kalahating taon ang kanyang nagiging kasintahan.

In fairness naman kay Sir, sumisikat ang mga girlfriend niya matapos makipaghiwalay kay Sir. Katunayan, pinagkakakitaan pa nga nila ang minsang pagkaka-link nila kay Sir.

Pero kamakailan, mayroon daw natipuhan si Sir na isang seksing tsinita sa isang media company. Pinatawagan ni Sir sa kanyang babaeng assistant si seksing tsinita para imbitahan ito sa isang dinner date.

Akala ng assistant ni Sir na masisilaw ang kanyang kausap at agad na pumayag sa oportunidad na maka-dinner ang isang tulad ni Sir. Pero laking gulat niya nang sabihan siya ni seksing tsinita na “NO WAY”.  Sa sobrang hiya, halos hindi na raw nakapagpaalam si assistant sa kanyang kausap at ora-oradang ibinaba ang telepono.

Sino si Sir? Clue: Ang kanyang first name initial ay “N”, as in NO (way). At ang last name initial niya ay “A”, as in Adonis – feeling kasi ni Sir isa siyang Adonis.

 

MAKINIG SA WANTED SA RADYO sa 92.3FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00PM. Ito ay kasabay na napanonood sa AksyonTV Channel 41.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

One thought on “Si Adarna at si Adonis

  1. (1) First BI he he he he kakahiya PMA graduate pa naman ang ama nya at Heneral ng Marines may itinatago palang ka ellahan si Ruffy Biazon… Bakla pala Ha ha ha ha ha ha ha..
    (2) Second  BI walang iba kundi ang kadugo  ka federasyon nila Mar Roxaz, Ruffy Biazon na si Noynoy “Abnoy Penoy” Aquino. Ha ha ha kala nya kasi Poging pogi na sya.. Jos ko Day Mukhang MONGOLOIDS. kaya tinanggihan ng Tsinitang Sexy.

Leave a Reply

Your email address will not be published.