Showtime, na-trauma na kay Rosanna Roces kaya hindi inimbitahan sa grand finals!

NAGING MADAMDAMIN ANG grand finals ng Showtime, kung saan ay deserving talaga ang nanalo.Ibang klase ang ipinakitang husay ng mga contestant na halos lahat ay deserving talagang manalo.

Bilib kami sa hosting nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Kim Atienza at lahat ng mga huradong naging burado. Sabi nga nina Vhong at Anne Curtis nang huli naming nakausap kung nagustuhan daw ng publiko ang unang season ng Showtime ay tiyak na magugustuhan din ang pangalawa, kaya sabay-sabay na lang nating abangan.

Samantala sinadya nang huwag imbitahin pa si Rosanna Roces sa grand finals ng Showtime (kung saan lahat ng mga hurado na naging burado ay dumating lahat para mag-judge). Sinabi ng aming source na ayaw na nilang maulit pa ang trauma na idinulot ni Osang. “Buti na lang at natuloy pa rin ang Showtime dahil kung hindi, wala sana tayong mapapanood na ganito kagandang show.”

KAHIT ANONG TAGO ang gawin nina Vic Sotto at Pia Guanio ay obvious na hiwalay na sila. Base sa nakarating sa aming balita, “pinapalamig” lang ni Pia ang isyu sa kanila ni Vic at pagkatapos ay tuluyan na itong mamaalam sa Eat… Bulaga! Magiging masyadong “malasado” raw ang dating kung ngayon na aalis ng nasabing programa ang TV host gayu’ng napakainit pa rin ng isyu sa kanila ng comedy actor.

Ayon sa nakarating sa aming balita, tila yata nawalan na ng pag-asa si Pia na pakasalan siya ni Vic kung kaya’t bago pa siya tuluyang maging lola ay kailangan na niyang “maghanap” ng ibang magmamahal at maghahatid sa kanya sa dambana.

HINDI SA TINATAWARAN namin ang kakayahan ng “papalit” sa posisyon ni Consoliza Laguardia sa MTRCB, pero sa totoo lang, kung track record lang din ng pag-uusapan, sa loob halos ng pitong taong panunungkulan ay naging mabuting chairwoman si Miss Laguardia.

Ang sabi kasi ay si Grace Poe na ang uupo sa MTRCB (si Grace ay anak ng yumaong si Fernando Poe, Jr.). Bagay na naging isang malaking tandang pananong sa aming isipan. Bakit kailangan pang palitan ang isang pinuno kung siya naman ay naging mabuti sa kanyang panunungkulan?

Tapatan. Sa kolum na ito ay hindi kami kailanman pumuri. Kami po ay naglalahad lang ng mga balitang nakakalap namin sa mga lugar na aming napupuntahan. Pero sa pagkakataong ito, nais po naming sabihin sa lahat na si Miss Laguardia ay naging mabuting MTRCB chairman na sa lahat ng naging chairman, bukod-tanging siya lang ang tumagal na hindi ganu’n katindi ang kontrobersiyang kinasangkutan.

Kung totoo man na this week na lang ang itatagal ni Miss Laguardia sa MTRCB, nais po naming iparating sa kanya ang  labis naming pasasalamat dahil minsan isang panahon ay may isang tulad niyang naging chairwoman ng MTRCB.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

10 thoughts on “Showtime, na-trauma na kay Rosanna Roces kaya hindi inimbitahan sa grand finals!

  1. KASALANAN MO IYAN PIA KASE NAGHINTAY KA NA PARANG PUSANG TATAPUNAN NG BUTO.SI DINA LANG KARAPAT DAPAT PAKASALAN NI VIC IKAW DI KA PANG ALTAR PANG SYOTA KA LANG SORRY.TUMANDA KANG DALAGA SA KAHIHINTAY KAYO NI PINKY WEBB.

  2. MAGALING SI LA GUARDIA KAHIT NAGLINGKOD SIYA SA MANDARAMBONG NA GLORIA MACAPAGAL SANTANAS ARROYO HUWAG ALISEN PINOY

  3. KIMERALD WORLD TULUNGAN NINYO IDOL NINYO PAYUHAN NA MAGPATINGIN SA DUKTOR AT PALALA NA ANG KANYANG ANOREXIA BULIMIA.HINDI AKO NANINIRA.PERO PAG MAY NANGYARI SA IDOL NINYO KUNSENSIYA NINYO IYAN.VITAL ORGANS NIYAN MAG SHUT DOWN SAYANG BATA PA NAMAN SIYA AT NAPAKAGANDA.

  4. From Kim_World

    [kim_world] our stand… and it hurts…Full View
    From: Donna Cortez Add to Contacts
    To: kim_world@yahoogroups.com

    ——————————————————————————–

    This is to break our silence…

    Alam nyo naman na hindi kami basta mapagpatol sa mga issues… lahat ng bagay binabalanse namin before kami maglabas ng opinion namin, transparent kami that we’ll support them sa lahat ng projects nila together or individual man yan… in fact, everytime na ****** ng nega ang issue naglalabas kami ng statement namin kung anu ang alam namin, coz we trust and have faith on them… na madalas na c anderson ang involve… we defend him sa abot ng aming makakaya para maliwanagan kayong lahat…

    WE LOVE KIM and WE LOVED ANDERSON for who they really are, not because of what they are in reel and real life…

    pinag isipan at pinag usapan namin ito ng husto at masinsinan at napakasakit man para sa amin pero we came to this decision:

    as a moderator and on behalf of all d kw execs, we are withdrawing our support to GERALD RANDOLPH OPSIMA ANDERSON, JR. from this moment…

    we’re not into the loveteam issues nor to their personal life and decision… sad to say mas may malalim at matinding reason kaming pinanghuhugutan. .. na hindi na kailangan pang i-elaborate. ..

    we’re not forcing anyone to stay or makisimpatya sa amin, karapatan nyo yan kung aalis kayo dito sa yg… wala ring sinuman ang may karapatang magcondemn sa decision namin… we are entitled to our own decision… walang tama o mali sa atin, it depends sa paninindigan natin…

    ang tanging magagawa namin / natin is to show our all out support for KIMMY… and pray na sana wag lang c kim ang laging ipinahaharap sa media…

    GOD BLESS US ALL!

    ————————————————————————————————————————————

    statement ng KIMERALD WORLD dati…. ngayon KIM WORLD NA LANG…. KIMERALD BAO’s dati ngayon KIMBAO’s na lang……

  5. WALA NG GAGANDA PA SA REPORTER NA ITO.PATI HALAKHAK NIYA SA RH NAKAKA HORNY.NATOTOMBOY TULOY AKO SA IYO MORLY.KUNG LALAKI LANG AKO BINUNTIS KITA MORLI

  6. NAKU MAGALING NA AKTRES IYAN SI ROSSANNA ROCESS KUNG AKO SA KANYA PAG ARTE NA LANG ATUPAGIN NIYA.SAYANG NAMAN ANG TALENTO MO SA PAG ARTE.

Leave a Reply

Your email address will not be published.