Shows sa Siyete, isa-isa nang sinisibak!

THE NEWS IS already out: Ka-shake na si Dolphy na pumirma na sa TV5. Ang paglipat ng Comedy King ay hindi dahil expired na ang kanyang kontrata sa ABS-CBN, because to begin with, he has/had no existing contract at all.

Ngayon ko lang tuloy napagtanto ang imbitasyon para sa presscon ng Star Cinema for Paano na Kaya? recently. Studio 1 ng ABS-CBN compound ang nasa directions, hindi ang Dolphy Theater where the event was held.

So what happens now to the structure named after the King of Comedy? As for TV5 that poses as the biggest threat in the broadcast landscape these days, maging aware lang sana ito sa restrictions kaugnay ng working habits ni Tito Dolphy.

Dapat isaalang-alang ng TV5 ang kalusugan ng Comedy King who can no longer endure long taping hours.

IN THE SAME vein, kumpirmado na rin ang transfer ni Maricel Soriano sa TV5 mula sa Kapamilya network even if the itsy bitsy of news initially started as a blind item yet tukoy na tukoy naman.

But unlike Tito Dolphy’s crossover, Maricel’s transfer hardly generated shock waves! Susme, kahit noon pang ipino-promote niya noon sa Startalk ang kanyang Metro Manila Film Fest entry na Filipinas (si Wyngard Tracy pa ang manager niya) many years ago, kinakati na siyang lumayas sa Dos, ‘no!

In fairness, Maricel Soriano will always be Maricel Soriano wherever fate may bring her.

AS STARSTRUCK V ends on February 21, ito rin ang araw ng pamamaalam ng Banda Oke nina Jaya at Allan K. In fact, it had its last taping day yesterday, kung kalian kahapon din lang naipagbigay-alam sa dalawang hosts ang pagbabu nito sa ere.

Teka, naka-one season na ba ang programa that succeeded All Star K? In fairness, oo naman. It piloted October last year, pero dahil sadly, hindi ito pumapalo sa ratings, Banda Oke had to be “disbanded.”

But if it’s any consolation to its staff and crew, hindi lang naman sila ang apektado with the “radical changes” na nagsisimula nang mangyari sa GMA caught in today’s cutthroat competition.

Maging ang Bitoy’s Showwwtime, na pumalit sa Bitoy’s Funniest Video ni Michael V, will soon be off the air.

Kung mapapansin n’yo ang Banda Oke at Bitoy’s Showwwtime, ‘di hamak na mas maganda ang mga precursors nito. Add to this ay ang consistently high ratings ng All Star K at BFV before they got axed.

So, which show is next in line?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

11 thoughts on “Shows sa Siyete, isa-isa nang sinisibak!

  1. akala ko ba nagrerate lahat ang shows ng gma? di ba sabi nila number one daw sila????????? asan yung pinangangalandakan nila????????? kaloka talaga kayo!!!!!
    gumising nga kayo sa katotohanan na kulelat talaga kayo sa abs. puro kayo hibang dyan sa gma, pwe!!!!!!!

  2. I was a GMA subscriber before, then I switched to ABS-CBN. I like the ABS CBN shows much better than GMA,
    even Kapamilya stars are more high calibre and more
    popular than Kapuso stars. Also the Kapamilya teleseryes
    are executed much better than Kapuso teleserye. And
    who can match Kim, Gerald, Piolo, Sam Milby, Bea, Toni
    Gonzaga, Jericho, Kristine, Enchong, Erich and Maja?

    • i agree with u cristino!

      ang EB 3x ipalabas s isang araw, nkk sawa n pls!
      ang panday kids, ina kasu2kalman b kita at d last prince juice ko kailan b mata2pos ang sumpang ito!

      sayang lang ang subscibe ko s orbit dahil s mga wlng k kwenta2 ng shows!

  3. Sibaken ang mga walang kwentang Show Me Da Manny at yung show ni Bong Revilla. Shempre, pati na ren ang SOP at parate namang sintunado ang pa-Diva-effect na Jaya

  4. ok yan maganda yung laging me bago honestly I don’t like jaya as being host hindi maganda yung boses niya for hosting sakit s tenga……

    Bitoy naku marami pang work dyan for him sana gumawa cla ng parang Infinity Challenge korean
    pinoy stlye I like Ogie,bitoy,ryan,Dingdong,Anjo to do it…

  5. MSG to MARIO: Dont compare Kim-Gerald to Al-Kris kasi new lang sila sa business. At isipin mo na Star Cinema ang gumawa ng movie so may quality talaga. Compare to Regal and GMA Films. It means wala sa artista kundi nasa movie outfit.

    Think about it, kung gumawa ng movie sila Kris-Aljur at Marian Rivera sa Star Cinema definitely magiging Box-Office Hit din ito. Like what happen to Richard Gutierrez ng gumawa ng movie sa Star Cinema umabot ng P134 million plus w/o padding yan but nung gumawa sya ulet sa GMA Films w/ KC eh nasa P64 million plus w/o padding yan.

    Kaya kung darating ang time na gumawa sila Kris-Aljur at Marian Rivera sa Star Cinema, I guarantee U na big hit din ito. Dun ka mag-compare.

    • okaet

      agree ako syo! swak na swak ka diyan, ang hirap kasi sa mga writers at fans sinisisi palagi mga artista, not realizing na wala sa artista ang problema….sa totoo lng din naman di lahat ng gawa ng star cinema e super ganda….feeling ko overrated lng din!

  6. sop will off soon !!! kapamilya shows still #1 at primetime bida will still lead nationwide o mapa mega manila pa iyan !!!

    congratz sa pano na kya !!! block buster hit !!! kaya ba ng alkris yon??? o ni marian rivera?

Leave a Reply

Your email address will not be published.