SHOWBOYZ bare their bottoms

Calm Ever
Archie de Calma
PHOTOS BY FERNAN SUCALIT

ISANG NAKAAALIW NA indie film, hitik sa drama, may katatawanan, hubaran at sari-saring kabadingan, ang Showboyz, mula sa panulat at direksyon ni Cris Pablo, para sa Sinehan Digitales. Oo nga’t isang macho dancer movie na naman ang isang ‘to, pero sa treatment nagkakatalo. Medyo light at mas angat ang pang-aliw, walang halong pretensiyon, ang bagong obrang ito ni Pablo.

Tungkol ito sa dalawang dating showboys na nang lumaon, naging mga drag queen na nagmamay-ari na ng kanya-kanyang bar, sina Jemenai (nagbabalik na dating bold actor na si Toffee Calma) at Pisces (Archie de Calma, yours truly, kolumnista nitong Pinoy Parazzi at suma-sideline bilang indie film actor).

Lumapot ang kuwento at tunggalian sa pagitan nila nang dumating si Krys (Kristoffer King), isang macho dancer, na may pansariling problemang emosyonal at seksuwal, at ang inosenteng si Topher (as played by Topher Barreto), na siyang nagpatindi sa kanya-kanyang sigalot sa iba pang characters.

Kahit sinasabing isa uling macho dancer movie ito (sa tradisyon ng Macho Dancer, Sibak, Twilight Dancers at maging ang recent Walang Kawala), mas dumalirot ang Showboyz sa detalye ng mga character na karaniwang matatagpuan sa mga gay bar, at maaantig kang manonood sa maliliit na butil na kuwento ng kanilang buhay.

Bukod sa pagiging higit na matapang at makatotohanan, hindi maiiwasan ang mga eksenang fitst time ginawa ng mga artista rito. Si Toffee, hinawakan ang ari ni Kristoffer sa isang eksena at suggestive na isinubo ito, bukod sa kanilang sex scenes; si Topher, may mga maiinit na eksena rin kasama si Kristoffer, at maging kami mismo, ikagugulat ng mga kaibigan namin kung paano namin hinawakan at nilaru-laro ang ari ng Men of Provoq member na si John Miller (gumaganap bilang si Kandila), para patigasin ito.

Of course, hindi gay porno ang Showboyz, ‘no! Kung paano lalabas na artistic at hindi bastos ang mga eksenang nabanggit ang siyang dapat abangan sa pelikulang ito na nakatakdang maging bahagi ng Queeriosity Film Festival, gaganapin sometime this February or March sa Robinson’s Indie Sine.

Isa lang ang sigurado, kakalat ang mga puwet!

loading...

2 thoughts on “SHOWBOYZ bare their bottoms

Leave a Reply

Your email address will not be published.