Showbiz scandals

MARAMI ANG NAWINDANG ang ulirat sa mga nakabasa sa column ko rito sa Pinoy Parazzi, tungkol sa ex-Pinoy Big Brother Teen housemate na may sex scandal.

Naku, mga Ining, pinutakti po ako ng mga text mula sa mga kasamahan ko sa hanapbuhay, pati na rin ng ilan kong friends na hindi naman showbiz.

Gusto kasi nilang malaman at makita ang video. Hmm… naku ha?! Ipinadala lang ang video sa akin at kuha raw iyon noong hindi pa sikat ang guwapo at binatang MYX VJ na si Robi Domingo.

Ngunit mga kafatid, hindi ko po hinuhusgahan ang batang ito. Personally, hindi ko siya kilala, at alam kong lumaki siya sa isang repetadong pamilya, at wala rin po akong balak na siraan siya, ‘no.

Inilabas ko lang ang istorya sa video, at sa aking opinyon lamang, kamukha nga niya. Kaya nga nagtatanong lang po ang inyong lingkod kung siya ba ang nasa video, at kayo na po ang bahalang humusga.

Hanggang sa kasalukuyan nga po, hinihintay ko pa rin ang sagot ng batang si Robi. Dahil marami nga po ang nagte-text at nag-ii-email sa akin na masyadong nanghuhusga na. Ay, naku ha?!

Hindi lang ‘yan, marami pa akong hawak na scandalous na mga video at pic. Pati nga ang isang showbiz politician, involved din, ‘no! Pero secret muna siya, dahil marami pang mga guwapo at sikat na aktor nakuhanan ng video. Kaya, abangan. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleKris Aquino, not running for office
Next articleSIKAT NA YOUNG ACTOR, KA-JAMMING ANG SEXY ACTRESS SA PAGDO-DROGA?!

No posts to display