Showbiz Blogster: What’s Next, JC De Vera?

MAY NASAGAP KAMING chismis kamakailan lang na hindi na raw talaga masaya si JC De Vera sa poder ng GMA-7. Kung dati-rati, regular siyang lumalabas sa mga noontime shows at specials ng istasyon, tila napako ang kaguwapuhan niya sa Sinenovela niyang panghapon.

Bakit nga ba biglang tumamlay ang takbo ng karir ng binata? Hindi ba’t naka-crossover na siya from pa-tweetums to a serious actor? Tinangkilik nga ng lahat ang tambalan nila ni Yasmien Kurdi sa dalawang Sinenovela (Pati Ba Pintig ng Puso at Pasan Ko Ang Daigdig) hanggang sa primetime (Babangon Ako’t Dudurugin Kita). Tinanggap din siya bilang leading man ni Rhian Ramos sa romance-comedy show na La Lola, kung saan hindi talaga maipagkakailang kinagat ng masa ang loveteam nila.

Nang matapos ang palabas, akala ng lahat ay tuluy-tuloy na nga ang pagsikat ni JC. May tsika pa nga noon na siya raw ang napupusuan na maging Fernando Jose sa remake ng Rosalinda. Minalas lang talaga siya dahil nadawit siya sa away nina Wilma Galvante at Annabelle Rama. Ayaw kasi nilang tanggapin ang SRO Cinemaserye project dahil second lead lang si JC rito at si Marvin Agustin ang bidang lalaki. Bigla silang nagkaroon ng sagutan hanggang sa pinalitan na nga ni Geoff Eigenmann si JC. Two months lang naman ang itinagal ng programa pero hindi rin namin magets kung bakit ayaw nila itong gawin. Si Dennis Trillo nga noon, kahit ano tinatanggap basta may trabaho, panghapon man ‘yan o panggabi. Ayan tuloy, si Geoff Eigenmann ang naging Fernando Jose ng Pilipinas pagkatapos niyang gawin ang SRO Cinemaserye.

Anong nangyari kay JC? Ayun, ipinares siya kay Heart Evangelista na demoted din into afternoon slot. Ayaw rin ng aktres na gawin ang project kahit pa si Dennis Trillo ang ka-loveteam niya. Kaloka, huh?

Siguro’y tapos na ang Sinenovela presents Ngayon at Kailanman nina Heart at JC. May chismis na si Heart ang makakasama ni Richard Gutierrez sa Full House samantalang si JC daw ay makakasama sa Daisy Siete. Uhm, ano raw? Daisy Siete?! Ano ba ‘yan! Sana hindi ito totoo dahil kung ganu’n rin lang ang kahihinatnan ni JC sa Kapuso network, mas nanaisin pa namin siyang makita sa Kapamilya dahil paniguradong mabibigyan siya ng mas matinong trabaho. ‘Di ba, Valerie Concepcion?

loading...

One thought on “Showbiz Blogster: What’s Next, JC De Vera?

  1. hay hay hay malas talaga sa manager. nabadtrip sila wilma sa talents ni annabel kaya nadadamay tong pagka talented at pagka guwapong JC na naku grabe ang ngiti at tindig at mata at katawan lahat panalo!!!!!!!!!!!!! ay naku ako na lang ang trabahuin mo JC hindi ka maghihirap sakin!

Leave a Reply

Your email address will not be published.