Show Twitz

ELLEN ADARNA, MAHILIG MAKIPAGHALIKAN SA KAPWA BABAE!

Bago pa man naging ganap na Kapuso starlet, napag-uusapan na rin sa internet si Ellen Adarna. Sumikat ito noong nag-uumpisa pa lang ang Friendster. Dahil sa angking ganda, marami ang nabighani sa kanyang aura. Sa katunayan nga, hanggang ngayon ay marami pa ring mga tribute videos na ginagawa para sa kanya.

Most requested din siya sa mga men’s magazine. Hindi lang mga boys ang hilig ng hotel heiress na ito. Kamakailan lang ay lumitaw mula sa isang panlalaking website ang mga larawan nitong nakikipaghalikan sa kapwa niya babae. Kunsabagay, swak na swak naman ito sa sexy image niya.

LOVI POE AT SOLENN HEUSSAFF, PAG-AAGAWAN SI RICHARD GUTIERREZ!

Pasok na pasok sa Valentine movie ni Richard Gutierrez ang dalawa sa pinakaseksing morena stars ng Kapuso network ngayon. Nakatakdang pag-agawan nina Lovi Poe at Solenn Heussaff si Richard Gutierrez sa upcoming Valentine movie nito sa ilalim ng GMA Films at Regal Entertainment Inc. na ‘Suddenly, It’s Magic’. Parte ito ng isang romantic trilogy. Kahit pa matagal na sa showbiz, ngayon pa lang napapansin bilang isang sexy drama actress si Lovi Poe, habang hot na hot naman from Survivor Philippines si Solenn Heusaff. Makakasama rin ni Richard Gutierrez sa nasabing pelikula sina Eugene Domingo at Rhian Ramos.

TUESDAY VARGAS, UMINIT ANG ULO SA ISANG IMPOSTOR!

Hindi naman napigilan ng komedyanang si Tuesday Vargas ang mag-tweet ng kanyang pagkainis sa isang impostor. Ginamit kasi nito ang kanyang tunay na pangalan at ninakaw pa ang kanyang mga private photos saka gumawa ng isang fake account. Ayon kay Tuesday, tao rin ang mga artista na nasasaktan din at kailangan rin ng respeto. Usong-uso sa mga social networking sites ang mga gumagawa ng pekeng account ng mga artista kaya kailangang mag-ingat sa pag-a-add ng mga friends at followers sa mga ganitong klaseng website. Marami naman ang nakisimpatya sa aktres.

MAJA SALVADOR, KINAKARIR ANG PAGIGING RUNNER!

Bigay-todo si Maja Salvador sa shooting ng kanyang pinagbibidahang indie film na Thelma. Ayon sa mga insider ng nasabing pelikula, wala raw kiyeme ang aktres kahit pa patakbuhin siya nang walang sapatos o tsinelas.

Hindi rin daw ito nagrereklamo kahit pa halos masugatan na ito sa set maliban na lamang sa last day ng shooting sa Ilocos, kung saan sinugod pa ito sa ospital.

Hindi na nakayanan ni Maja ang physical stress kaya ito dinala sa ospital nina Direk Paul Soriano. Bumilib ang staff and crew nang after two hours ay nagsabi ito na gusto na niyang ituloy ang shooting dahil ayaw nitong maging cause of delay. Professional na professional ang dating ni Maja sa mga katrabaho.

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

ShowTwitz

About the Author

has written 67 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.