Show Twitz: Willie Revillame, magbabalik na sa Wowowee?

WILLIE REVILLAME, MAGBABALIK NA SA WOWOWEE?

Kumakalat ngayon ang haka-hakang magbabalik na raw sa noontime show na Wowowee ang original host nito na si Willie Revillame. Ayon sa nakalap naming impormasyon, sa July 31 nakatakdang bumalik ang sikat na TV host, na kung maaalala ninyo ay naging kontrobersiyal nang ilang buwan dahil sa patutsada niya sa kapwa Kapamilya na si Jobert Sucaldito. Sa episode ng Juicy noong Miyerkules ng gabi, nagbigay rin ng clue si Cristy Fermin na may ‘magbabalik’. Welcome back, Papi na kaya ang susunod nating maririnig sa naggagandahang hosts ng Wowowee? Mare-retain pa kaya ang mga natsitsismis na gustong ipatsugi ni Willie sa show? Abangan!

DINA BONNEVIE, IBINULGAR NA MALAPIT NANG IKASAL SINA OYO BOY AT KRISTINE!

Malapit na ngang maging Mrs. Sotto ang magandang teleserye actress na si Kristine Hermosa. Sa isang interview kamakailan, ibinunyag ni Dina Bonnevie na malapit na ngang ikasal ang kanyang unico hijo na si Oyo Boy Sotto sa kanyang longtime girlfriend na si Kristine Hermosa. Kahit palaging nakikita sa mga events na magkasama, ni minsan ay hindi nila parehong direktang inamin ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

TJ TRINIDAD, INDIE FILM DIREKTOR NA!

Pasok sa Cinemalaya NETPAC 2010 ang pelikulang MKAK (Mga Kahihinatnan ng Aking Kabalbalan), ang first directorial job ng Kapuso leading man na si TJ Trinidad. Siya rin ang bida sa nasabing pelikula kung saan gumanap siya bilang isang abugadong palihim na nakikisiping sa kanyang boss para makaangat sa trabaho. Nagkaroon ng kumplikasyon nang malamang HIV-positive siya. Kasali rin sa nasabing pelikula sina Gina Alajar, Jodi Sta. Maria, Epy Quizon, Bobby Andrews at Che Ramos.

CARLENE AGUILAR, BOTO KAY JENNYLYN MERCADO PARA KAY DENNIS TRILLO!

Sa isang interview kamakailan, ipinahayag ni Carlene Aguilar na pabor siya sa diumano’y namumuong relasyon sa pagitan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Gusto nga raw niya ang dalagang ina para sa kanyang ex-boyfriend, na ama ng kanyang panganay na si Calix. Happily married na ngayon si Carlene sa isang non-showbiz guy. Masaya naman si Jennylyn Mercado nang makarating sa kanya ang balita. Naghahanda ngayon si Jennylyn para sa pelikulang ‘Rosario’, isang drama film na ipalalabas sa 2010 Metro Manila Film Festival.

CRISTINE REYES, IPINAKILALA NA NI RAYVER CRUZ SA PAMILYA!

Ibinulgar ng kuya ni Rayver Cruz na si Rodjun Cruz na ipinakilala na nga ng nakababatang kapatid ang sexy actress na si Cristine Reyes sa kanilang ina. Matagal-tagal na ring kumakalat ang balitang nagkakamabutihan na nga ang dalawa at madalas maispatan na magkasamang nagde-date. Ang TV5 actress na si Diane Medina ang itinuturong common denominator ng dalawa. Isa sa mga closest friends ni Cristine sa showbiz si Diane, na siya namang syota ng utol ni Rodjun.

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

7 thoughts on “Show Twitz: Willie Revillame, magbabalik na sa Wowowee?

  1. CHAR!!!!.. MAY SPIRIT PA KAYA SI KUYA WIL??… NAKITA KO WEB NATO,…. DAMING GALIT SA KANYA, SOOBRAAA. BUTI NA LANG MABAIT SI SWEETIE PIE KO, CC CHARRRRRR!!!

    • HOY MELISSAAAAAAAA!!!, TUMIGIL TIGIL KA NGA DIYANNNN, HINDI KA BA NAHIHIYA KAY KUYA WIL? MABAIT NAMAN SIYA SA ATIN AH? KAHIT WALANGHIYA SIYA, MARAMI NAMANG NAUUTO, ESTE NATUTULUNGAN..HE HE HE.

  2. oo, babalik na ang inyong abang lingkod. Very progressive na mga business ko, yong Wil Tower ko, halos sold out na, matapos na rin Wil Mall, may ipatatayo pa akong isang Wil Tower II, mas grabe laki nito, its a city within a city, may sports dome kasi to, naiiba. kasosyo ko mga big time na friends ko like Manny P, Chavit, Noli, Sy, Lopez, Abcede at marami pa, puro billionaire. See you soon. I miss you RR, Congrats at Valerie. (si mariel at pokawang, mga balimbing yon, ako ang nagpasikat sa kanila, tapos bumaligtad na parang..ewan ko ba.

  3. Erratum : Hindi July 13, kundi Agust 13 ako babalik sa ABS CBN, Wala kasi silang makuha don na marunong Gumawa at Mamigay ng pera. Ako lang yon, ako langggGGGGGG ! ! ! $$$$@#$%&*!! Si Luis at Robin, puro pacute lang naman ginagawa don, Si Mareil at Pokwang tsutsugihin ko na, niloko nila ako, hindi nila ako sinamahan kay Villar, naging balimbing sila, Eh ako naman nagcreate at dahilan kaya sila sikat ngayon. Mga balimbing sila@!#$%*&#!!!Si Cesar M. naman, hayon lunipat na sa GMA7, kasi nakahalata PAMASAK butas lang sila, okey????

Leave a Reply

Your email address will not be published.