Show Twitz: Uma Khouny, asar sa Facebuko.com

Nag-tweet kahapon ang ex-Pinoy Big Brother housemate na ngayo’y nag-iingay sa showbiz na si Uma Khouny ng pagkadismaya sa humor site na Facebuko.com. ‘haha just saw a STUPID post on facebuko.. me and Pao ballesteros. guys nmn.. wala na ako maitago pa. pero Pao is just a frnd.’. Dating nagkaroon ng issue na may ‘special relationship’ diumano sina Uma Khouny at Paolo Ballesteros. Simula’t sapul pa lang ay napag-uusapan na sa showbiz ang kanilang feminine side. Magpasalamat na lang si Uma na binigyan pa ng espasyo ng nasabing website ang kanyang pangalan kahit hindi na siya sikat.

BEA ALONZO, LALONG PINAG-INITAN NG KIMERALD FANS

Kawawang Bea Alonzo. Pagkatapos lumabas ang isyung may namamagitan sa kanila ni Gerald Anderson two months ago, ngayon naman ay mas lalo itong binabatikos ng mga loyalist ng Kimerald loveteam. Sabay kasing umalis sina Bea at Gerald sa katatapos lang na Star Magic Ball. Si Gerald ang escort ni Kim Chiu nang mag-umpisa ang palabas, samantalang si Zanjoe Marudo naman ang umalalay kay Bea Alonzo. Malaki ang pagkadismaya ng mga fans ni Kim Chiu nang lumabas sa cover ng ating magbloid ang larawan nina Bea at Gerald na magkasama.

LINGERIE PICTURES NI LOVI POE, INILABAS NA!

Marami ang namangha sa mga naglabasang sexy photos ni Lovi Poe para sa HerBench. Love + Sexy = Lovi ang tema ng kanyang pictorial. Marami ang nakapunang may hawig ang dalaga ni FPJ sa dating sexy actress na si Patricia Javier. Sensual pero hindi malaswa ang outcome ng pictorial ng dalaga. Very visible naman ito sa GMA-7 dahil lumalabas ito ngayon sa Love Bug kasama si Mark Anthony Fernandez at regular din ang kanyang paglabas sa Party Pilipinas.

FIRST MAINSTREAM MOVIE NINA ENCHONG DEE AT ERICH GONZALES, IPALALABAS NA!

Ngayong Setyembre na ipapalabas ang first mainstream movie nina Enchong Dee at Erich Gonzales bilang bida sa ‘I Do’ ng Star Cinema. Makakasama nila sa pelikula ang kuwelang tambalan nina Jason Francisco at Melai Cantiveros. Una nang lumabas ang dalawa sa Cinema One Originals 2009 entry na ‘Paano Ko Sasabihin?’ at sila rin ang nagbida sa mga teleseryeng Katorse, Tanging Yaman at Magkaribal. Dahil sa nakitang chemistry sa kanila, ipinagkatiwala na rin ng Star Cinema ang isang malaking romance-comedy flick. Make or break ito para sa dalawang young star.

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.