Show Twitz: Tweet ni Mariel: I <3 Robin Padilla!

TWEET NI MARIEL: I <3 ROBIN PADILLA!

Ginulantang ni Mariel Rodriguez ang lahat ng kanyang followers sa Twitter noong Lunes ng gabi dahil sa biglang pag-tweet nito ng Irobin padilla. Hindi na makapagde-deny pa ang Wowowee host kahit pa i-delete niya ang nasabing Tweet dahil maraming tagahanga ang nag-retweet dito. Mukhang very vocal na talaga si Mariel sa tunay na nararamdaman niya para sa action star. Kamakailan lang ay naispatan pa nga ang dalaga sa surprise party ni Queenie Padilla at ayon sa mga saksi, inseperable ang dalawa. Blockbuster na nga ang kanyang movie, blockbuster pa ang kanyang lovelife! Bongga!

PAGPAPA-BOTOX NI CHARICE, NEGATIBO SA PRESS

Marami ang nadismaya sa balitang pagpapa-botox ng Pinay international singer na si Charice. Imbes na matuwa, ikinainis ng ilan sa mga supporters ni Charice ang pagpapa-publicize ng kanyang pagdaan sa prosesong Botox at Thermage sa ilalim ng Belo Medical Group. Ayon sa mga ulat, ito raw ay ginawa bilang paghahanda sa paglabas ng singer sa sikat na musical show na Glee. Ikinagalit ito ng ilang tao dahil para sa kanila, bata pa si Charice para dumaan sa nasabing proseso, kahit pa sabihing ito ay non-surgical. Marahil ay kung hindi sana lumabas sa press ang balitang ito ay hindi matatadtad ng negative write-ups ang dalaga.

LOVI POE, BEST ACTRESS SA CINEMALAYA 2010!

Pagkatapos lumabas sa ilang indie films, sa wakas ay nakamit na rin ng young actress na si Lovi Poe ang kanyang first Best Actress award mula sa Cinemalaya 2010. Siya ang pinili ng mga hurado dahil sa epektibong pagganap niya bilang Lilibeth sa Mayohan. Marami nga ang nagsasabi na natural na natural ang pagganap ng dalaga ni Da King sa nasabing pelikula. Kasali rin si Lovi sa pelikulang Sigwa, na kalahok naman sa isa pang kategorya ng Cinemalaya.

EUGENE DOMINGO, INDAY WANDA NA, JEJEMOM PA!

In-demand talaga si Eugene Domingo sa mga sitcoms! Kamakailan lang ay inilabas ng TV5 ang balitang nasa puder na nila ang ‘Kilabot ng mga Kolehiyala’ na si Ariel Rivera, at ang unang proyekto nga nito sa Kapatid network ay ang sitcom na Inday Wanda, kung saan nakatakdang magbida si Eugene Domingo. Pati pala sa Kapuso network ay may gagawing sitcom si Ate Uge. Ito ay ang Jejemom, kung saan sila naman ni Wendell Ramos ang magkasama. Meron pa itong Watchamakulit at Comedy Bar. Tinatapos din nito ang pelikulang Mamarazzi sa Regal Films. Ikaw na ang super busy!

RUFFA GUTIERREZ, MAY BAGONG PROGRAMA SA TV5!

Kumakalat ngayon sa Twitter ang balitang magkakaroon na ng sariling reality-based artista search ang TV5. Ito ang Star Factor, kung saan si Ruffa Gutierrez ang napiling mag-host ng nasabing programa. Ilan sa mga magiging judge ng nasabing patimpalak ay ang batikang direktor na si Jose Javier Reyes at ang ‘monster mom’ na si Annabelle Rama. Maglalabas ang Kapatid network ng mga detalye kung paano makasasali ang mga nagnanais maging artista sa nasabing programa.

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Show Twitz: Tweet ni Mariel: I <3 Robin Padilla!

Leave a Reply

Your email address will not be published.