Show Twitz: Tim Yap, type maging interpreter sa Miss Universe

Pinag-uusapan sa Twitter kahapon ng umaga ang sunud-sunod na tweet updates ni Tim Yap habang ongoing ang Miss Universe 2010 Pageant. Halatang marami ang nanghinayang sa Q & A portion, kung saan hindi masyadong nabigyan ng hustisya ni Venus Raj ang kanyang sagot. Dahil dito, sunud-sunod ang naging pahayag ng Tweetbiz host na kung siya raw ang nasa posisyon ng representative ng Pilipinas, iyon daw ang kanyang magiging sagot. Noong una’y kalmado pa ito, pero naimbyerna ang ilang Twitter users sa naging mensahe niya na Even if we are fluent in English, I suggest that Filipinos answer in Filipino. Where we can express ourselves better is how we should answer And if that happens, I will be the interpreter…para tayo tayo lang ang nagkakaintindihan. Gagandahan ko yung answer para panalo:-) Haha! Ikaw na ang susunod na beauty queen. Keri?

Inday Wanda ni Eugene Domingo sa TV5, mag-uupisa na!

Mag-uupisa na sa September 6 ang Inday Wanda, ang bagong pang-lunes na family-oriented comedy show ng TV5. Ito ay pinagbibidahan ni Eugene Domingo kasama sina Ariel Rivera, Ella Cruz at Cogie Domingo. Ayon sa mga bali-balita, isang season lang ang itatagal nito dahil mas priority ni Eugene ang kanyang kontrata sa Kapuso network. Certified Kapatid stars naman na ang ex-Kapuso heartthrobs na sina Ariel at Domingo. Mas kakagatin kaya ang Inday Wanda kaysa sa Jejemom ng GMA-7, na hindi gaanong nagustuhan ng manonood?

CRISTINE REYES, NAIRITA SA TWEETS NI ZANJOE MARUDO!

Hindi naman napigilan ni Cristine Reyes na ihayag ang kanyang pagkairita sa leading man niyang si Zanjoe Marudo. Nabasa kasi nito ang mga tweets ng aktor patungkol sa kanya habang kausap ang isang kaibigan. “WOW LANG SA TWEET AH! Hello! Nasa Twitter ako, try n’yo na mag-text na lang. Try lang.” Ilang beses nagparinig ang dalaga sa binata, pero hindi raw nito dinelete ang previous tweets na patungkol sa kanya. Dahil dito, binitawan ni Cristine ang pahayag na ito: “Anyone can be heroic from time to time but a gentleman is something you have to be all the time.” Balitang humingi na ng tawad si Zanjoe rito, na wala pa ‘atang isang linggo sa Twitter, deleted na ang account nito.

MARIEL, FEEL NA FEEL ANG PAGIGING ‘MISIS’ KAY ROBIN ?!

Napuna ng ilang press people na nakasaksi sa pagdating nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa bansa mula India na feel na feel na raw ng ex ni Zanjoe Marudo ang pagiging ‘misis’ sa action star. Hindi nakaligtas sa camera ang paghihila ni Mariel kay Robin habang ini-interview ito nang maayos ng isang reporter. Sumisingit din ito sa mga isyung hindi naman talaga siya kasali. Kung magpapatuloy si Mariel sa ganyang gawain, hindi malayong mapalayo si Robin sa mga press people. Sayang, kilala pa man ding sinserong tao itong si Robin. Oras na para pagsabihan ang iyong girlfriend… o asawa na ba?

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.