Show Twitz: Tanya Garcia ready to face Marian Rivera

MULING NAGBABALIK-SHOWBIZ ANG isa sa dating soap opera princess ng GMA-7 na si Tanya Garcia. Matatandaang si Tanya Garcia ang nakapareha noon ni Dingdong Dantes sa mga programang ‘Sana Ay Ikaw Na Nga’ at ‘Twin Hearts’. Apat na taong nawala sa sirkulasyon ang aktres dahil mas pinili nitong bigyan ng pansin ang pagiging ina sa dalawa niyang anak sa asawang si Mark Lapid.

Kahit na magka-loveteam noon sina Dingdong at Tanya, hindi naman nauwi sa totohanan ang tambalan nila. Nang tanungin kung payag itong makatrabaho si Marian Rivera, sinabi nito na wala siyang problema rito. Huling TV project ni Tanya Garcia ang Super Twins, kung saan naging kontrabida ito kay Marian Rivera na gumanap bilang nanay nina Jennylyn Mercado at Nadine Samonte. Marian, Dingdong and Tanya in one project? Bakit nga ba hindi?

 

MARIEL RODRIGUEZ, AMINADONG HINDI SANAY NA WALA SI BINOE!

Mahigit isang taon na rin simula nang tinapos ni Robin Padilla ang programang Totoy Bato sa Kapuso Network. Ang Guns and Roses nila ni Bea Alonzo ang comeback TV project ng Bad Boy ng Philippine Cinema. Aminado naman ang misis nito na si Mariel Rodriguez na hindi siya sanay sa panibagong working schedule ng kabiyak.

Aniya, nasanay siya na silang dalawa ang magkasama tuwing weekends. Kahit ang promotional gimiks nina Binoe at Bea para sa programa, kung saan kumakanta sila bilang magkapares sa mga variety shows ng Dos ay bagay na ikinakapanibago pa niya.

Nasanay si Mariel na tanging siya lang ang babaeng ikinakabit kay Binoe simula nang magkadebelopan sila sa set ng Wowowee hanggang sa tuluyan na nga silang nagpakasal. Mukhang wala naman dapat ikabahala itong si Mariel dahil nali-link si Bea ngayon kay Zanjoe Marudo… na ex-boyfriend niya!

 

ENZO PINEDA AT LOUISE DELOS REYES, LANTAD NA LANTAD NA ANG RELASYON!

Matagal-tagal nang usap-usapan sa bakuran ng Siyete ang diumano’y pagkakamabutihan ng Kapuso teen stars na sina Enzo Pineda at Louise delos Reyes. Kumalat pa nga noon ang tsikang ikinagalit ni Alden Richards, leading man ni Louise sa Alakdana ang pambabakod ni Enzo sa aktres dahil nakakasira ito sa kanilang loveteam. Hindi man nila parehong kino-confirm ang tunay na estado ng kanilang relasyon, naging sunud-sunod ang sightings sa dalawa habang namamasyal sa malls o nanonood ng pelikula. May mga nagsasabing gustong panatilihin ng dalawa na pribado ang kanilang buhay pag-ibig. Meganong factor?!
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

12 thoughts on “Show Twitz: Tanya Garcia ready to face Marian Rivera

  1. Guys nde naman s umeepal c tanya..bka nkalimutan nyo n nag phinga lang sya at bngyan ng time ang bgong priority nya.pero alam nman ntin n artista parin sya. Bumalik sya it’s not b’coz umeepal sya sa dongyan love team.kundi dahil bnigyan sya ng oppurtunity ng GMA dhil nga mgling xang artista.

  2. YUCK! mga KAPUSO talaga walang breeding magsasalita. err, i hate GMA, mga palengkero kasi mga fans. unlike ABSCBN, may formality and etiquette. di gaya sa GMA. 

  3. hey tanya?what the heck youre tring to imply? getting back in showbiz?hahaha makikisakay sa primetym Queen marian rvera ding dong dantes? i thought smooth ang married life mo?i was thinking youre in a good path right now.di ba may parlor business ka? what happend/

  4. Hi Flo and every one!! Im happy at masasama ang mga sinasab nio! Anu bang nagawa sa inyo nila Tanya? Pagpatuloy nio yan ha? Para unti na lang, magkikita kita na tau sa impyerno.

  5. @Tanya’s Issue: May babalikan pa ba siya sa showbiz? May anak na sya at napagsawaan ni Mark Lapid.. Gusto nya pa maki epal kay Marian-Dingdong.. Haha G’luck!!! Wala na bang pera si Mark???ü

    @Mariel’s Issue: Ngek!! Patay na patay sya sa asawa nya pero si binoe madami pa ding ibang gustong babae! Feeling naman kasi ni Mariel!!!

  6. it’s okay lang naman na mabanggit si Marian, na current number 1 star ng GMA, sa article ni Tanya. Fact naman kasi na si Tanya ang former loveteam ni Dingdong, at one of the more popular leading ladies ng GMA. Hindi naman naging item sila ni Dingdong before, so lalo na ngayon.

  7. Nakahanap ng gagamitin sI Tanya para bumango ulit (teka bumango nga ba siya?), Talagang si Marian ang laging ginagamit ng mga baguhan gustong sumikat, ng mga nalaos na gustong bumalik tulad ni Tanya, at nga mga pipitsuging starlet tulad ni Belat. Isa lang ang gustong sabihin nito–talagang sikat na sikat si Marian!