Show Twitz: Shaina Magdayao, bidang bida na!

Si Shaina Magdayao ang bagong bida sa Precious Hearts Romances presents Alyna. Ito ang papalit sa Impostor nina Sam Milby at Maja Salvador. Sina Sid Lucero at Jason Abalos ang mga nakatakdang makapareha ng aktres sa kanyang pagbabalik sa ABS-CBN Hapontastic slot. Maingay ngayon ang pangalan ni Shaina hindi dahil sa kanyang bagong proyekto, kundi dahil sa lumabas na diumano’y ‘vaginal lock’ sa pagitan nila ng kasintahang si John Lloyd Cruz. Wala pa ring nagpapatunay na totoo nga ang nasabing chismis.

BELA PADILLA, HINAHANAP NA SA INTERNET

Kung dati ay halos walang nagse-search sa pangalang ‘Bela Padilla’ sa internet, ngayon ay in-demand na ito. Marami ang curious malaman kung ano nga ba ang tunay na katauhan ng babaeng inaaway diumano ni Marian Rivera. Una siyang nakilala bilang Krista Sullivan at ngayon nga’y bilang si Bela Padilla. Hindi pa rin natatapos ang paglalabas ng kanyang kampo ng mga pahayag laban sa Endless Love lead star at may mga lumalabas pa ngang pananakot. Ang tanong: Magtutuloy-tuloy kaya ang pagsikat ni Bela, o isa lamang itong overnight sensation?

GLAIZA DE CASTRO, OVERWHELMED SA PREMIERE NG SOAP

Halatang kabado si Glaiza de Castro sa una niyang sabak bilang bida sa GMA Telebabad sa pamamagitan ng Grazilda, ang bagong telefantasya ng Kapuso network. “Maraming maraming salamat sa lahat ng nanood at naaliw sa Grazilda! Mas lalo kaming ginaganahan! Mabuhay at mahal ko kayo :D” Mas nasanay ang mga taong mapanood si Glaiza na nagtataray sa TV, pero ngayo’y siya naman ang titingalain. Sina Cherie Gil, Yasmien Kurdi at Djanin Cruz ang mga kontrabida niya rito. Ito rin ang unang sabak ng tambalan nila ni Geoff Eigenmann.

MARK HERRAS, 2 BUWANG PAHINGA SA SHOWBIZ

Hindi na muna tatanggap ng soap opera ang Kapuso actor na si Mark Herras. Dahil sa sunud-sunod na projects at kakulangan sa oras ng pagpapahinga, na-stress ang katawan ng Starstruck graduate at ngayon nga’y may kinakaharap pang kaso sa BIR. Ngayong Biyernes na matatapos ang teleserye niyang Langit Sa Piling Mo, katambal si Heart Evangelista. Ito na rin ang hudyat ng pansamantalang pag-baboo ng aktor sa showbiz scene para makapagbakasyon at pagtuunan naman ng pansin ang kalusugan.

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Show Twitz: Shaina Magdayao, bidang bida na!

Leave a Reply

Your email address will not be published.