Show Twitz: Sam Pinto, nagpa-sexy na!

EHRA MADRIGAL, NADUKUTAN NG CAMERA SA BENCH UNCUT SHOW
Sa sobrang pagkatutok ng sexy actress na si Ehra Madrigal sa panonood ng Bench Uncut Fashion show, hindi na nito napansin na may dumukot na pala ng kanyang digital camera. Nag-tweet ito kaagad nang malamang nawawala ang kanyang gadget. Dalawang taon na sa aktres ang kanyang digital camera at talagang hindi niya ito pinapalitan dahil espesyal ito sa kanya. “sa kumuha ng cam ko, paki-ingatan yun ha. may sentimental value yun. kthanksbye.”

JENNYLYN MERCADO, BIDA SA ‘ROSARIO’
Si Jennylyn Mercado ang masuwerteng aktres na napili ni Albert Martinez na magbida sa pelikulang Rosario. Matagal nang pending ang pelikulang ito at ilang sikat na artista na rin ang napabalitang napipisil para sa nasabing role. Pasok sa 2010 Metro Manila Film Festival ang nasabing proyekto at ito lang ang tanging pelikulang historical at melodrama ang tema. Kasali rin sa sina Dennis Trillo, Isabel Oli at may special participation si Dolphy. Makakamit na kaya ni Jennylyn ang Best Actress award sa pelikulang ito?

JAKE CUENCA, PINAGSASAWAAN NA NG MGA FANS ANG PAGHUHUBAD?
Katulad na lang ng na-leak na information sa press, si Jake Cuenca nga ang finale sa katatapos lang na Bench Uncut Fashion Show. Kung noon ay nagtitilian ang mga babae at mga bakla sa tuwing rumarampa si Jake sa catwalk with matching sexy underwear at angas style, mukhang hindi na ito mabenta ngayon. Ayon sa ibang nakasaksi sa nasabing pagtatanghal, nagiging ‘predictable’ na masyado ang mga gimik ni Jake sa ganitong event. Paano kaya kung rumampa si Jake na sobrang balot na balot? Unpredictable ‘yun, ha!

SAM PINTO, NAGPA-SEXY SA ISANG MEN’S MAGAZINE
Ang PBB Double Up graduate na si Sam Pinto ang cover girl ngayon ng FHM Philippines para sa July 2010 issue nito. Kahit maituturing na baguhan pa lang sa mundo ng showbiz, sunud-sunod na ang projects ng dalaga. May regular show ito sa Dos at may mga product endorsements na rin ito. Sa nasabing issue rin nakalagay ang 100 Sexiest Women in the World tally ng FHM, kung saan nanguna si Angel Locsin.

DANZ SHOWDOWN, UMPISA NA!
Mag-uumpisa na ang Danz Showdown, The Search for the Next Sexbomb ngayong Lunes ng umaga from 10-10:30AM. Ito ang bagong palabas kung saan maipapakita muli ng Sexbomb Dancers ang kanilang galing sa paggiling. Sina Rochelle Pangilinan, Izzy Trazona at Mark Herras ang host ng bagong programang ito. May bali-balita na unti-unti ay ito na rin ang papalit sa programang Diz Iz It, na patuloy pa ring nangungulelat sa ratings.

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.