Show Twitz: Rufa Mae Quinto, goodbye showbiz na?

TONI GONZAGA, HALATANG KINOKOPYA SI RIHANNA AT ANG 2NE1?

Sa halip na matuwa, marami ang nadismaya sa bagong kanta ni Toni Gonzaga na ‘All Me’. Maraming fans ang nakapansin na tila ‘rip-off’ ng kantang ‘Fire’ ng 2NE1 ang bago niyang single. Ang parteng chorus naman daw ay halatang patterned sa ‘Disturbia’ ni Rihanna. Ang All Me ang kauna-unahang single ni Toni Gonzaga mula sa bago niyang album. Marami ang nanghinayang dahil kayang-kaya naman ng kampo ni Toni na mag-release ng sariling kanta na hindi nangongopya sa mga banyaga.

MERCEDES CABRAL, PINALAKPAKAN SA ‘GANAP NA BABAE’

Kahit pa nagkaroon ng technical problems sa pagpapalabas ng opening film ng Cinemalaya 2010 na ‘Ganap na Babae’, pinuri naman ng mga manonood ang performance ng cast ng nasabing indie film partikular na si Mercedes Cabral. Isang prostitute na nagpagamit sa iba’t ibang tao ang ginampanan ng indie film actress pero may twist sa ending ang kanyang papel na ginampanan. Panahon na siguro para pagtuunan naman ng pansin ang mga artistang may alam talaga sa pag-arte, at hindi ang mga maaarte.

LOVI POE, HINDI NAPIGILANG MAGPAKA-FANGIRL SA HARAP NI USHER!

Nakakatuwa ang sunod-sunod na Tweet updates ni Lovi Poe tungkol sa pagdating ng RnB sensation na si Usher sa bansa. Hindi napigilan ng dalagang anak ni FPJ na ipahayag ang kanyang pagka-starstruck sa performer. “just got back in shang. picked up usher sa airport. he’s so friendly!! :)”, “nakipag kamay na ako kay usher!!! wont wash my hands na! hahahahah! :))” , “guys, nahihiya ako magpapicture!!! heelp!! hahahaha:)”, “GUYS!!! NAGAWA KO NA!!! ill post it later!!:) thanks for making me pilit!:)”. Nakakaaliw ang bagets!

PHIL YOUNGHUSBAND, HINDI KILALA SI RHIAN RAMOS!

Kahit pa napabalitang nagkaroon sila ng intimate relationship, itinanggi ng Football star na si Phil Younghusband na naging sila talaga ni Rhian Ramos. Nag-umpisang kumalat ang chika two years ago nang sumalang si Phil sa Celebrity Duets Season 2. Naging kontrobersiyal ang nasabing model/athlete nang lumabas ang isyu tungkol sa kanyang manager. Aminado ang hunk na ito na hindi talaga siya para sa showbiz. Kinukuha pa rin siyang endorser ng iba’t ibang produkto under sports category.

RUFA MAE QUINTO, GOODBYE SHOWBIZ NA?

Muli na namang umaalingasaw sa showbizlandia ang chikang magku-quit na sa showbiz ang sexy comedian na si Rufa Mae Quinto. Ayon sa ulat, huling project na raw niya sa Kapuso network ang bagong sitcom niya na ‘Kaya Ba Ng Powers Mo?’ opposite Joey Marquez. Ang itinuturong dahilan ay ang diumano’y napapalapit niyang pagpapakasal sa kanyang mystery lover. Marami ang nagpi-pinpoint sa pangalan ni Mikey Arroyo, na siya raw ang itinatagong lalaki ni Rufa Mae. Hindi naman masagut-sagot ni Booba kung totoo nga ba ito o hindi.

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Show Twitz: Rufa Mae Quinto, goodbye showbiz na?

  1. hurray papalakpak ako ng bongangbonga pag wala na si RMQ hindi sya magandang panoorin.sobrang OA at kung manamit akala mo isasalang sya sa porno.d man lang nagiisip na people of the world ang manonood at marami ang minors.at kung magsalita napaka nonsense nya .

  2. PUEDE NG MAMAHINGA SI RUFFA MAE QUINTO MACAPAGAL. MAYAMAN NA SIYA DAHIL SA MGA TAGONG YAMAN NI MIKE A. NASA KANYA NA, PATUNAY NG MALAKING BAHAY SA U.S. NA KAY RUFFA MAE QUNITO DAW.

Leave a Reply

Your email address will not be published.