Show Twitz: Richard Gutierrez, gustong panatilihing private ang relasyon with Jewel Mische

RICHARD GUTIERREZ, GUSTONG PANATILIHING ‘PRIVATE’ ANG RELASYON KAY JEWEL MISCHE

Matagal-tagal nang usapan sa showbiz ang diumano’y relasiyon ni Richard Gutierrez sa Starstruck winner na si Jewel Mische. Unang nagsama ang dalawa sa fantaseryeng Kamandag, at simula noo’y nagtuloy-tuloy na ang kanilang relasyon.

Nang kinulit ng press si Richard kamakailan, indirectly nitong inamin na sila nga ng magandang aktres. Mas gusto lang daw niyang panatilihing pribado ang kanyang buhay pag-ibig. Ilan sa mga naging ex-girlfriends ni Richard ay sina Anne Curtis at Georgina Wilson.

KC MONTERO, HINAMON SI JUSTIN BIEBER SA TWITTER!

Nakatutuwa ang Tweets ni KC Montero noong Lunes. Hinamon nito ang young international singer na si Justin Bieber na i-follow siya. “Lets start a campaign for Justin Bieber to follow me. I will come to work in drag if he does.” Halos lahat ng celebrities at fans na nasa timeline ni KC ay nag-retweet ng kanyang mensahe.

Kahapon lang ay nakatutuwang ibinalita ni KC na follower na niya ngayon ang nasabing sikat na performer. Kailangang patunayan ni KC na isa siyang tunay na lalaking may paninindigan sa pamamagitan ng pagpunta sa work na naka-drag queen outfit. Hiram ka na lang sa ex-wife mo ng outfit!

STARSTRUCK V GRADUATES, LALABAS SA LOVE BUG!

Pagkatapos ng tambalang Dennis Trillo-Carla Abellana at Daniel Matsunaga-Kris Bernal, ang mga Starstruck graduates na sina Steven Silva, Sarah Lahbati, Enzo Pineda at Diva Montelaba ang susunod na lalabas sa Sunday afternoon show na Love Bug ng Kapuso network. Sa Camiguin kukunan ang nasabing episode na may titulong ‘Love Square’. Ang kontrobersiyal na si Direk Andoy Ranay ang nakatokang magdirek nito. Sisikat na kaya ang Starstruck graduates pagkatapos ng proyektong ito?

LEA SALONGA, HINDI TOTOONG KASALI SA GLEE!

Nilinaw ni Lea Salonga kamakailan na walang katotohanan ang chikang kasali na rin siya sa susunod na season ng Glee, kung saan lalabas ang napakagaling na si Charice Pempengco. Ayon sa mga imbentong balita, si Lea raw ang gaganap na nanay ni Charice sa nasabing series. Open naman daw si Lea sa posibilidad na magtrabaho para sa nasabing programa kung siya ay kanilang alukin. Huwag na rin tayong magtaka kung weeks from now ay mabalitang totoo na rin ang nasabing tsismis tulad na lang ng nangyari kay Charice.

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Show Twitz: Richard Gutierrez, gustong panatilihing private ang relasyon with Jewel Mische

Leave a Reply

Your email address will not be published.