Show Twitz: Rhian Ramos, magpapaseksi na sa isang men’s magazine?

Totoo kaya ang haka-haka ngayon sa Twitter na pumayag na raw si Rhian Ramos na mag-pose ng sexy sa isang men’s magazine? Ayon sa aming impormante, nag-tweet diumano si Rhian na pagkatapos ng kanyang stint sa Party Pilipinas ay didiretso na ito sa pictorial para sa isang magazine, na ngayon pa lang niya gagawin. Suki na ng mga women and fashion magazines si Rhian, pero hindi pa ito nagpo-pose ng sexy para sa isang panlalaking magazine dahil sa kanyang wholesome image. Ito na kaya ang hudyat na sa wakas ay mapapasaya na ni Rhian nang bonggang-bongga ang kanyang male admirers? Siguradong unang bibili ng kopya n’yan si Mo Twister!

ELLEN ADARNA, BAGONG PANTASYA NG MGA KAPUSO!

Kung kayo ay naadik noon sa Friendster, malamang ay nahumaling kayo sa ganda ni Ellen Adarna. Siya ang Cebuana na naging sikat sa nasabing social networking site na talaga namang naging kontrobersiyal dahil sa mga larawan. Kahit kasi minor pa ito noon, nag-a-upload ito ng maraming pictures kung saan sexy ang kanyang mga kuha at marami rin itong kuha kasama ang kanyang jowa. Mahigit isang daang fake accounts pa nga ang nagawa ng mga posers! Isa si Ellen Adarna sa ipinakilalang bagong Kapuso at siguradong patataubin nito ang ilan sa mga nagmamaganda sa Kapuso. Nagmamaganda raw, o!

ANDI EIGENMANN, AYAW NA SA DUAL ROLES!

Malapit nang ipalabas ang pelikulang Mamarazzi, ang anniversary presentation ng Regal Films na pinagbibidahan ni Eugene Domingo. Ito rin ang nagsisilbing launching movie ni Andi Eigenmann, na unang kinilala bilang teleserye princess nang gampanan ang dual roles sa Agua Bendita. Nakakatawang isipin na kahit sa Mamarazzi ay kambal pa rin ang papel ng dalaga ni Jaclyn Jose. Sa isang panayam ay ibinunyag ni Andi na ito na raw ang huling beses na papayag siyang gumanap ng dual roles. Nakaka-stress nga naman, mga ‘teh!

CARLA ABELLANA-GEOFF EIGENMANN LOVETEAM, BUBUWAGIN NA!

Malapit nang matapos ang Sinenovela presents Basahang Ginto, na pinagbibidahan nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann. Silang dalawa ang bini-build-up ng Kapuso network simula nang ipakilala si Carla bilang bagong Kapuso star. Gaano kaya katotoo ang balitang bubuwagin na ng network ang tamabalan nilang dalawa? Ayon sa mga intrigero, isang romance-comedy raw ang magiging bagong proyekto ni Carla at ibang aktor na raw ang makakasama nito samantalang si Geoff daw ay babalik sa hosting. Mabuti rin na ipares muna silang dalawa sa iba para hindi magsawa ang fans… o nagsawa na noon pa?

FANS NI CRISTINE REYES, UMAALMA SA TIMESLOT NG KRISTINE SERIES!

Kapansin-pansin sa mga online forums na umaalma nang bonggang-bongga ang mga tagahanga ni Cristine Reyes. Siyempre, masaya sila dahil pagkatapos ng matagumpay na primetime show na Eva Fonda ay may bagong panggabing programa ulit ang dalaga. Kaso, ang Precious Hearts presents Kristine series ang papalit sa timeslot ng Rubi, which means gabing-gabi na ito ipalalabas. Mas type daw sana ng mga loyalistang fans ni Cristine na itapat ang Kristine sa Endless Love nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Kung sa bagay, may punto nga naman sila. Bakit hindi nila pagsabungin sina Cristine at Marian nang magkaalaman na!

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.