Show Twitz: Redford White, pumanaw na

Sumakabilang-buhay na ang komedyanteng si Cipriano Cermano, o mas kilala sa showbiz bilang Redford White. Pumanaw siya noong July 25, 6:47AM sa edad na 54. Ayon sa nakalap naming balita, brain cancer ang sanhi ng pagpanaw ng magaling na aktor. Nakilala bilang isang mahusay na komedyante si Redford White nang lumabas ito sa maraming pelikula noong dekada 80’s at 90’s. Hindi rin malilimutan ang tambalan nila ni Eric Quizon sa Buddy ‘en Sol. Huling napanood si Redford White sa programang Kokey, kung saan siya gumanap bilang asawa ni Ruffa Gutierrez. Nakikiramay kami sa mga naulila ni Redford White.

RONALD SINGSON, HULI SA HONGKONG !

Kinumpirma mismo ni Congressman Chavit Singson ang balitang nakakulong sa Hong Kong ang anak at businessman na si Ronald Singson dahil nahulian ito ng ilang gramo ng droga. Nadakip daw diumano ang rumored boyfriend ni Lovi Poe noong July 11, dalawang araw matapos ang naging matagumpay na concert ni Usher sa bansa, kung saan si Ronald ang isa sa mga producers nito. Pinipilit ng ibang reporters na makuha ang pahayag ni Lovi Poe tungkol sa masalimuot na kaganapang ito, pero tumatanggi ito sa mga pakiusap.

LJ REYES, NANGANAK NA!

Masayang ibinalita ng Kapuso actor na si Paolo Avelino sa Twitter ang panganganak ng kanyang nobyang si LJ Reyes noong July 24, 2010. “I am now a certified father! This feeling is overwhelming!!!! Thank you god!” Baby Boy Ethan Akio ang pangalan ng bagong showbiz baby. Hindi nakaalis ng bansa si Paolo Avelino para masamahan ang girlfriend sa panganganak dahil dalawang beses na-deny ang visa application nito. Congratulations to Paolo and LJ! Kailan kaya ang kasalan?

ROBIN PADILLA-MARIEL RODRIGUEZ MOVIE, TULOY NA TULOY NA!

Kahit pa naudlot na ang proyektong dapat na pagsasamahan nina Robin Padilla at Toni Gonzaga, kinumpirma naman kamakailan na si Mariel Rodriguez na nga ang makakasama ni Binoe sa bagong pelikula nito sa Star Cinema. Si Cathy Garcia-Molina pa rin ang napipisil na direktor para sa kaabang-abang na proyektong ito. Balitang shelved naman ang sitcom na pagsasamahan dapat ng dalawa. Aamin na kaya sila nang tuluyan sa tunay na estado ng kanilang relasyon?

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Show Twitz: Redford White, pumanaw na

Leave a Reply

Your email address will not be published.