Show Twitz: Melai Cantiveros, nagiging OA na!

Marami ang nag-react sa pamamaraan ng pagsagot ng Kokey@Ako star na si Melai Cantiveros habang ini-interview siya ni Toni Gonzaga sa The Buzz noong nakaraang Linggo. Kapuna-puna ang sobrang bilis at tila walang prenong pagsagot ng komedyana sa mga tanong sa kanya. Maging ang mga tanong na para dapat sa kanyang boyfriend na si Jason Francisco ay pinipilit niyang siya ang sumagot. Ok lang na magpatawa sa mga interviews, pero hindi na rin kaaya-ayang tingnan kung sobrang OA na. Nadulas pa nga ito at sinabing kailangan daw gumawa ng ingay para sa promo ng kanilang programa. Kailangang turuan ng leksiyon ang baguhang ito.

HEART EVANGELISTA, GAGANAP BILANG “DWARFINA”

Mukhang hindi mababakante ang beauty ni Heart Evangelista kahit pa natapos na ang teleserye nila ni Mark Herras na Langit sa Piling Mo. Si Heart Evangelista ang napili para gumanap bilang Dwarfina, ang panibagong telefantasyang magpapasaya muli sa mga Kapuso. Matagal nang usap-usapan ang project na ito, pero hindi matuluy-tuloy. Nag-tweet ang aktres na gusto niya ang concept ng kanyang project at excited na siyang umpisahan ito. Nagre-request naman ang mga tagahanga niya na sana’y si Daniel Matsunaga ang kanyang maging leading man. Exclusively dating na ang dalawang Kapuso stars. Heaven na heaven!

YASMIEN KURDI, MAS BAGAY MAGING KONTRABIDA

Ilang araw pa lang lumalabas bilang kontrabida kay Glaiza de Castro si Yasmien Kurdi sa Grazilda, pero umaani na ito ng papuri mula sa mga manonood. Ayon pa nga sa ilang tagahanga ng palabas, naiinis sila sa karakter na ginagampanan ng dating Starstruck star. Lumabas na bilang bida sa ilang afternoon series at kahit sa primetime ay nagbida na rin si Yasmien noon. Pansamantala nitong iniwan ang showbiz nang magdesisyong ituloy ang kanyang pag-aaral. Kung mabibigyan pa ng magagandang roles si Yasmien, paniguradong makakalikom ulit ito ng mga taong maniniwala sa talent niya bilang isang aktres.

MR. FU, TULUYAN NANG TSINUGI SA QTV!

Tuluyan na ngang nag-baboo sa QTV Network si Mr. Fu. Hindi na ni-renew ng programang Tweetbiz ang kanyang kontrata na mag-e-expire na sa linggong ito. Balitang dinamdam daw ng radio and TV host ang kanyang pagkatsugi sa programang kanyang pinagsilbihan rin nang matagal-tagal na panahon. Balitang ang pagtanggap daw kasi nito ng programa sa Kapatid network ang sanhi kung bakit nagdesisyon na ang management na tuluyan na itong paalisin. Hindi naman kawawa si Mr. Fu dahil dalawa ang shows niya sa Singko. Bongga pa rin! Meganon!?

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Show Twitz: Melai Cantiveros, nagiging OA na!

Leave a Reply

Your email address will not be published.