Show Twitz: Mariel Rodriguez, wala sa sarili?

MARIEL RODRIGUEZ, WALA SA SARILI?

Naloka ang ilang viewers ng Wowowee sa episode na ipinalabas kahapon. Kapansin-pansin kasi ang tila ‘wala sa sarili’ na si Mariel Rodriguez. Nagkamali-mali ito sa ilang spiels at parang walang pasensiya sa pagkakamali ng ilang contestants. Kapuna-puna rin nang biglaan n’yang sinabihan ng ‘ulol’ ang isang contestant habang ito’y kanyang ini-interview. Buti na lang at sinalo siya ni Luis Manzano at humirit ng ilang punchline para hindi masyadong mapansin ang pagkakamali ng kaibigan. May matinding problema kaya si Mariel kaya ganu’n ang kanyang kundisyon kahapon?

PATRICK GARCIA AT BABY ALEX JAZZ, NAGKITA NA!

Sa wakas ay nahagkan na ni Patrick Garcia ang anak niya kay Jennylyn Mercado na si Baby Alex Jazz. Naganap ang pagsasama ng mag-ama sa birthday party ng anak nina Cheska Garcia at Doug Kramer. Masayang ipinadala ni Cheska sa followers ng kanyang Twitter account ang napakagandang litrato ng mag-ama. Marami ang nagsasabi na tila good influence nga ang current boyfriend ni Jennylyn na si Dennis Trillo dahil ngayon, open-minded na ang aktres pagdating sa kanyang ex-boyfriend.

GRACE LEE, TYPE NI JAMES YAP?

Totoo kaya ang balitang nasagap namin na balak daw pormahan diumano ni James Yap ang Diz Iz It host at Radio DJ na si Grace Lee? Ayon sa isang blind item na pinakawalan nina Mo Twister at IC Mendoza sa programang Juicy, binalak daw ng basketbolistang asawa ni Kris Aquino na lapitan at kunin ang number ng Koreanang DJ habang nasa salon ito. Hindi nga lang daw natuloy ang balak nito dahil nasa iisang lugar lang din ang kanyang asawa. Naku, lagot ‘pag nagkataon!

TIM YAP, PINASIBAK SI SAM YG SA TWEETBIZ?

Kamakailan lang ay lumabas sa ilang write-ups sa iba’t ibang tabloid na nag-resign daw si Sam YG a.k.a. Shivaker sa Tweetbiz ng QTV. Ang rason na ipinalabas sa press ay ang hindi kapani-paniwala. Gusto raw mag-concentrate ng Indian personality sa kanyang morning show na Diz Iz It (na masisibak na) at sa kanyang radio show. Ang totoo raw ay ipinasibak ng Tweetbiz main host na si Tim Yap ang pobre. Napikon daw kasi si Tim dahil nagbigay raw ng ‘unsolicited’ advice ang kasamahan sa kanya na dapat ay dumating sa set na memoryado ang mga linya para hindi paulit-ulit ang pagte-take ng ilang eksena. Ano kaya ang totoong kuwento sa likod ng sibak isyu na ito?

VALERIE CONCEPCION, NATUTUWA SA PANGGAGAYA NI ALEX GONZAGA SA KANYA!

Imbes na mapikon, natuwa pa si Valerie Concepcion sa balitang paborito siyang i-spoof ng Juicy host na si Alex Gonzaga sa TV5. Aminado si Valerie na hindi pa niya napapanood si Alex at kung paano siya ginagaya nito, pero natutuwa raw siya dahil ang ibig lang daw sabihin nu’n ay napapansin siya. Gayang-gaya nga ng ‘Prinsesa ng TV5’ ang mannerisms at paraan ng pagsasalita ni Valerie sa Wowowee partikular na ang mala-megaphone na pagsasalita nito. Giling-giling, ang galing-galing, huh!

BIANCA GONZALES, BAGONG KA-PARTNER NI BOY ABUNDA SA SNN

Goodbye Kris Aquino, Hello Bianca Gonzales! ‘Yan ang bati ngayon ng loyal viewers ng SSN (Showbiz News Ngayon) dahil ang morena TV host na ang permanenteng kapalit ni Kris Aquino, na kare-resign lang sa nasabing showbiz-oriented show. Natutuwa ang mga tagahanga ni Bianca Gonzales dahil gabi-gabi na naman siyang mapapanood kahit kakatapos lang ng PBB Teen Clash of 2010.

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

5 thoughts on “Show Twitz: Mariel Rodriguez, wala sa sarili?

  1. gago talaga yang si mariel feeling maganda super arte naman at bulol, hoy umalis ka na nga dyan di mo bagay mag host kasi antipatika ka sa mga contestant at hilig mo mambara, kung ako sabihan nya ng ulo, baka manghiram sya ng mukha sa aso. abs cbn management di magandang ehemplo yang si mariel mayabang lalo nat napapanood namin dito sa middle east. makakarma ka ring gaga ka kainis sarap mo sampalin ng matauhan ka maarteng mariel.

    • I agree. I was at awe when I heard her say ULOL. Tuloy nagtaka kami kung ano talaga ang naging trabaho niya sa Singapore. Asal GRO kasi. Walang manners. Pati panginsulto niya sa mga kawawa nating kababayan, panggagaya sa mga accent nang dayuhan ay nakakairita na. I don’t see why they have to keep her. Her appeal is not that great. Ratings of her shows are not that great either.

  2. Excuse me, bakit naman napunta dito si vice ganda? Wala naman napansin don kundi yong mga kabaro niya at ang mga nauuto niya. Mahilig ding mang uto yon tulad ni Willie. Agreed, bagay nga silang magpartner sa game show titled.. rEvilame and Vice, sa tagalog,……… ” Bisyo ni Satanas “

  3. Pasingit po.
    Ref.: Vice Ganda : Days ago sa Showtime, lumabas natural ni Vice, sobrang binaboy niya Davao Crew sa score, dahil obviously, gusto niyang manalo Iloilo Crew (malaki lagay?). Imagine lahat 10, isa 9 score lahat and excellent comments ng lahat jurado except Vice, SHOCK LAHAT, binigyan niya ng 6 ang kawawang mga taga Davao pa naman. Too obvious, malaki lagay niya from Iloilo Dance Crew na puro kasi mga bakla din. What a bullshit judgement of Vice Ganda, masisira career mo pag hindi ka nagbago. Excellent dancers at professional Davao crew, bibigyan niya ng 6? gaguhan? ABS CBN management, wake up pls. Too OBVIOUS, BINABOY NI VICE SCORE.

  4. Mabuti naman at si Bianca. Kung su Mariel, goodbye SNN na rin ako. No one has to go through pain just listening to Mariel. I watch TV to relax, not be stressed.

Leave a Reply

Your email address will not be published.