Show Twitz: Mariel Rodriguez, patuloy na binabatikos ng madla

Kung noon ay marami ang naaaliw sa TV host na si Mariel Rodriguez, tila kabaligtaran na ngayon ang imahe ng alaga ni Boy Abunda. Ang lahat ng ito ay may kinalaman sa biglaang pagpapakasal diumano ng dating Wowowee host kay Robin Padilla. Lumabas kamakailan lang sa mga news sites ang larawan ng ‘pagpapakasal’ daw nina Robin at Mariel, na nagkakilala lang noong May 2010. Lumabas din ang isyung ‘backbiter’ diumano si Mariel sa dating katrabahong si Toni Gonzaga. Ang hindi rin nito pagsabi ng kanyang mga plano sa kanyang talent manager ay ikinagugulat din ng iba. Tuluyan na nga bang nabaliw sa pag-ibig si Mariel?

KRIS BERNAL, PINAPABAYAAN NA NG SIYETE

Pagkatapos magbida sa programang The Last Prince kasama si Aljur Abrenica, bigla na lang nawala sa eksena ang beauty ni Kris Bernal. Pansamantala muna itong pumunta sa Amerika para magbakasyon at ngayon nga’y pa-guesting-guesting na lang. Ayon sa aming impormante, hindi na raw priority ngayon ng Kapuso network ang pasikat na sanang Starstruck star. May balitang ipapares daw ito sa isang baguhan, pero wala pang klarong detalye ukol dito. Sayang naman ang naumpisahan ng Siyete kung basta-basta na lang nila itong bibitawan. Mahilig pa man din itong gumimik. ‘Di ba, Aljur?

DANITA PANER, BAGONG BABAE SA BUHAY NI JC DE VERA

Ang rakista turned actress na si Danita Paner ang magiging leading lady ni JC de Vera sa My Driver, Sweet Lover ng TV5. Ito ang kauna-unahang primetime series ng Kapatid network na kinatatampukan din nina Richard Gomez, Dina Bonnevie, Eddie Gutierrez at marami pang iba. Balitang makaka-love triangle din nila rito si Tom Rodriguez, na visible din sa bakuran ng Dos. May mga nagsasabing nagkakadebelopan na raw sina Danita at JC sa totoong buhay. Pero maraming nagdududa na isa lang itong malaking gimik.

ROCCO NACINO, PINOPORMAHAN SI SHEENA HALILI?

Pagkatapos ma-link kina Jennylyn Mercado at Lovi Poe, nababalita naman na ang komedyanteng si Sheena Halili diumano ang pinopormahan ngayon ni Rocco Nacino. Binigyan pa nga raw nito ng bulaklak ang aktres sa set ng Saturday sitcom na Kaya ng Powers. Hindi naman umaamin ang dalawa sa tunay na iskor ng kanilang mga puso, pero paniguradong ang isyu na ito ang mas lalong magpapaingay sa pangalan ni Rocco. Lalo rin madidikit sa kanya ang title na ‘Mr. Gimik’. Sino pa ang gustong magpaligaw?

MICO PALANCA, BALIK SHOWBIZ!

Muling nagbukas ang pinto ng showbiz para sa nakababatang kapatid ni Bernard Palanca na si Mico Palanca sa ilalim ng pangangalaga ni Arnold Vegafria. Dating contract artist ng Star Magic si Mico. Nakilala si Mico sa pagganap ng mga character roles sa ilang pelikula ng Star Cinema at mga palabas ng ABS-CBN. Minsan na rin siyang naiugnay kay Bea Alonzo, at pagkaraan ng kanilang break-up two years ago ay hindi na ito naging masyadong aktibo sa showbiz. Mukhang kailangang gumimik ni Mico para mapansin siyang muli.

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.