Show Twitz: Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga, matindi ang away!

Nabigla ang ilang press people sa naging pahayag ni Toni Gonzaga nang tanungin siya tungkol sa isyu nila ni Mariel Rodriguez noong presscon ng Kokey @ Ako. Pagkaraan ng ilang linggong pananahimik, inamin na rin ng versatile actress na hindi sila in good terms ngayon ng dating Pinoy Big Brother at E-Live co-host. Bihirang makita si Toni na nagbibigay ng mga emosyonal na pahayag ukol sa kapwa artista, kaya ang pagsasabi niya ng ‘dapat ay mas mag-ingat sa mga taong mas malapit sa ‘yo’ ay mas lalong nagpatunay na malalim nga ang pinag-ugatan ng away ng dalawa. Wala raw kinalaman ang naudlot na proyekto nina Robin at Toni, pero thankful siya na hindi na ito natuloy. Nakapag-tweet naman kamakailan si Mariel na pupunta siya ng India para mag-shoot ng movie kasama ang boyfriend na action star. Maaayos pa ba ang gusot na ito? Kuya, ilagay sa confession room ang dalawang ‘yan!

GWEN ZAMORA, ‘DI EPEKTIBONG CINDERELLA?

Si Gwen Zamora ang baguhan sa Kapuso network na napapabalitang balak i-groom bilang isang teleserye star. Bilang paunang proyekto, ipinagkatiwala sa kanya ang papel bilang si Cinderella sa Grazilda, na siya namang pinagbibidahan ni Glaiza de Castro. Marami ang umasang magbibigay ng magandang performance ang dalaga. Sa katunayan nga, lutang na lutang ang pagkadismaya ng ilang televiewers. Hindi pa naman huli ang lahat para sa baguhan. Siya rin ang bagong Faye sa Agimat ni Enteng ng GMA Films. Kailangang ipakita ni Gwen na hindi lang siya basta isang magandang babae. Talento ang kailangan para tumagal sa showbiz.

MARIA VENUS RAJ, KAPUSO NA!

Tuluyan na ngang papasukin ni Miss Universe 2010 4th Runner-Up Maria Venus Raj ang mundo ng showbiz. Sa katunayan nga, kasali na siya sa cast ng The Beauty Queen, na pagbibidahan nina Iza Calzado at Gloria Diaz. Kasali rin sa nasabing proyekto sina TJ Trinindad, Rocco Nacino, Lovi Poe at Katrina Halili. Malaki ang expectations ng mga fans na magiging epektibong artista ang morena beauty queen. Noon pa ma’y nagpakita na ito ng interes na maging artista pagkatapos ng sinalihang patimpalak. Tatagal naman kaya ang beauty ni Venus sa magulong mundo ng showbiz? ‘Yan ang dapat nating abangan!

KC CONCEPCION AT JEWEL MISCHE, GAGAWA NG TELESERYE?

Usap-usapan ngayon sa showbiz na naispatan diumano ang Starstruck IV female survivor na si Jewel Mische na nakikipag-meeting sa ilang executives ng ABS-CBN. Desidido na raw lumipat ang young actress dahil hindi naman ito nabigyan ng matinong break sa Kapuso network. Ayon sa aming impormante, may offer daw ang Kapamilya network kay Jewel Mische na gumanap bilang kapatid ni KC Concepcion sa isang palabas. Kung sakaling totoo man ang balitang ito, magiging good career move ito para sa napabayaang aktres. Magkamukha nga in real life sina KC at Jewel at may isa pa silang common denominator: si Richard Gutierrez.

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

11 thoughts on “Show Twitz: Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga, matindi ang away!

  1. BUKAWKAW, BAKAW. . .WHATEVER THE WORD IS, MARIEL CALLED KRIS AQUINO BAKAW WHICH ACCORDING TO MY AUNT MEANS BUWAYA, SUWAPANG, CRODILE. SHE ALSO CALLED TONI DULING. WORD IS THAT SHE IS THE TSISMOSA BEHIND THE ANGELICA PANGANIBAN ANG CLAUDINE RIFT NA IKINAKALAT NIYANG MAY LALAKI SI CLAUDINE. KAILANGAN RING MAGINGAT SI NIKKI GIL , BILLY AT LUIS. SINO NAMAN ANG TINATAWAG NI MARIEL NGAYON NA NAKAKALBO? BACKSTABBER TALAGA ANG BABAENG ITO. LAOS NA LAOS NA AT ANG PAKULO NILA NI ROBIN, HINDI NA BINIBILI NANG MADLA. MARAMI NANG GALIT. MAY BINAYARAN RIN SI MARIEL PARA SIRAAN AT ATAKEHIN SI TONI SA ISANG WEBSITE. PERO BUMALIKTAD RIN KAY MARIEL. KARMA, PAPAANO. iKAW YUMI, ANO ANG SAY MO? ISA KA LANG SA MARAMING ALYAS PERO ALAM NAMIN NA IISA KA LANG. INGATAN MO ANG IP ADDRESS MO. HA HA HA. . . .

  2. gimmick lang yan kc myroon ciyang teleserye bakit tinaon p s presscon? pero s totoo lang parehong hindi ko gusto cilang 2 lalo c mariel super arte sobra lalo pag nag salita, c toni medyo ok lang. hindi cy super ganda lalong hindi cy pangit.

  3. Toni is very pretty in person.

    Ang daming nang naging shows and movies ni Toni and I didn’t hear any major gimmick except yung pagli-link sa ka love team.

    She’s been attacked below the belt in one website for several weeks now and I think it’s about time she speaks up to uncover who’s behind it..

  4. maganda si toni in person.Nakita ko siya sa San Francisco na namamasyal sa may Golden Gate.Kung pangit naman siya,ang lakas naman ng sex appeal niya.Look at alll the guys na nanligaw or nalink sa kanya.Luis,Piolo,Sam at Paul..wow kahit isa lang diyan nakaka loka na!

    • hellooooo who is mariel compared with toni gonzaga? wala naman alam si mariel kundi magpacute at mag inarte sa tv. ewan ko ba kung bakit kinukuha pa ng abs -cbn yan eh sobrang arte naman. masama naman ang ugali ni mariel kht nung nasa pbb pa sya. ang oa nya!

Leave a Reply

Your email address will not be published.