Show Twitz: MARIAN RIVERA, RINDING-RINDI NA SA SELOSA ISSUE!

MARIAN RIVERA, RINDING-RINDI NA SA SELOSA ISSUE! Ipinahayag na ni Marian Rivera kamakailan na ‘tila rinding-rindi na siya sa paulit-ulit na isyung kinasasangkutan niya. Palagi kasi siyang nababalitang nagseselos sa tuwing may bagong nakakapareha si Dingdong Dantes sa telebisyon. Noong nakaraang taon, naging maingat si Dingdong sa mga eksena niya sa Stairway to Heaven kasama si Rhian Ramos dahil lagi raw nila itong pinagtatalunan. Fresh pa rin sa memorya ng ilan ang naging tensiyon sa set ng Endless Love sa pagitan naman nina Marian at Bela Padilla. Ngayon ay si Regine Velasquez naman ang makakasama ni Dingdong sa I Heart You, Pare. Matatawa na lang daw si Marian nang bonggang-bongga kung magka-isyu pa sila ni Regine dahil ikakasal na ito ngayong Disyembre.

LOVI POE, TULOY-TULOY NA ANG PAGPAPASEKSI!

Kahit pa natsitsismis na karelasyon niya ngayon ang isang kontrobersiyal na pulitiko, hindi naman nagpapigil si Lovi Poe sa pag-arangkada sa kanyang showbiz career. Si ngayon ay parang siya na ang lumilitaw na pinakabida sa Little Star ng GMA-7. Hindi rin ito nagdadalawang-isip sa pagsuot ng mga bikini at sexy dresses, na tiyak na ikinatutuwa ng mga barako. Marami rin ang pumupuri sa malaking improvement ni Lovi pagdating sa aktingan. Kung ipagpapatuloy ng Kapuso network ang pagbibigay ng matitinong proyekto sa kanya, paniguradong sisikat ito nang husto. At least nakikilala na ngayon si Lovi sa kanyang sariling pagsisikap at hindi dahil sa anak siya ni Da King.

ENCHONG DEE AT ERICH GONZALES, SA HOSTING NAMAN MAGPAPAKITANG-GILAS!

Napatunayan na nina Enchong Dee at Erich Gonzales na stable na ang kanilang tambalan pagdating sa pelikula at telebisyon. Ngayon, ang pagho-host naman ng isang teen variety show ang susunod na proyekto ng dalawa. Anytime soon ay ipalalabas na ang Shout Out. Makakasama ng ‘ENRICH’ loveteam sina Empress Schuck, Sam Concepcion at Enrique Gil. Iba’t ibang young stars ng Kapamilya network ang magpapakitang-gilas araw-araw. Isa itong magandang senyales na talagang pinagkakatiwalaan na ng network ang tambalang ito.

KATHERINE LUNA, NANALONG BEST ACTRESS!

May rason para ibandera muli ang pangalan ni Katherine Luna. Kamakailan lang ay pinarangalan ito ng Best Actress award sa Doi Saket International Film Festival sa Thailand. Gumanap ito bilang bida sa pelikulang Kinulayang Kiti (Hand Painted Feathers) na mula sa direksyon ni Richard Legaspi. Hindi man masyadong maganda ang imahe ni Katherine Luna sa showbiz dahil sa mga kinasangkutan nitong eskandalo, hindi naman ito magpapataob kung aktingan din lang ang pag-uusapan. Kung mabibigyan ng sunud-sunod na proyekto ang dating sexy star, malamang ay hindi na nito kakailanganin pang gumimik para lang mapag-usapan.

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

9 thoughts on “Show Twitz: MARIAN RIVERA, RINDING-RINDI NA SA SELOSA ISSUE!

  1. I’m not a kapuso. solid kapamilya ako. pero feeling ko namn natural lang nmn na mag silos c Marian if may nadidikit na chickabebs ke Dingdong kc jowa nya to. yung di nga mag Jowa me selosan sa kanila pa kea na super lantad na cla nga. pag di nagcilos c Marian it means di nya Love c Dindong. tsaka maganda nmn talaga c marian. nakita ko na xa. at pala ngite xa, kea cnasabi ko to ke marian kahit kapamilya ako kc di nmn ako insecure para sa idol ko c Anne kc la nmn c Anne dapat ika Insecure ke marian. magkaiba nmn ang mga ganda nila at super ganda ni Anne nakita ko na xa nong Dyosa days nya.

  2. OO nga naman!! wala na ba silang alam na issue kundi “SELOSAN”??!! nakakasawa na!! katulad ng sinasabi ni Marian “bakla” issue na lang daw sya para maiba naman!! bwahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.