Show Twitz: Lovi Poe, sinisisi sa pagkakakulong ni Ronald Singson?

Nakakagulat ang naganap na pagkakulong kay Ronald Singson sa Hongkong. Kinumpirma ng mismong ama nito na si Chavit Singson na totoo ang napaulat na sinapit ng businessman/congressman. Dahil dito, hindi naiwasang mabaling ang atensiyon ng lahat ng tao sa girlfriend nito na si Lovi Poe, na kamakailan lang ay nanalo ng Best Actress award sa Cinemalaya. Usap-usapan na nag-break daw ang dalawa pagkatapos ng Usher concert. Hanggang ngayon ay emotional pa rin ang aktres at noong nakaraang Linggo, marami ang nakasaksi sa kanyang pag-iyak sa backstage ng Party Pilipinas.

JOLINA MAGDANGAL, PINATULAN ANG NEGA COMMENT SA TWITTER!

Masipag pala si Jolina Magdangal na maghanap ng mga Twitter users na may negative comments sa kanya. Noong nakaraang Linggo, marami ang nagkumento tungkol sa kanyang naging performance sa Party Pilipinas, na para sa iba ay hindi niya masyadong nabigyan ng justice. Dahil dito, nireplyan ni Jolina ang bawat isang commenter ng “HATERS are just simply SUPER FAN IN DISGUISE!!!” yey!!!! i lab u guys!!!! . Ikinagulat ito ng ilang Twitter users dahil siya lang ang tanging gumagawa ng ganito sa nasabing social networking site.

WILDLIFE FOR SALE NI RICHARD GUTIERREZ, UMANI NG POSITIVE REVIEWS!

Hindi man visible ngayon sa mga fantaserye si Richard Gutierrez, busy pa rin ito sa kanyang upcoming show na Survivor Philippines Celebrity Edition. Bago pa man siya tumulak sa isang undisclosed location, naging abala ang aktor sa pakikipagtrabaho sa News and Public Affairs department ng Kapuso network. Isa sa mga documentaries na ginawa nila ay ang Wildlife for Sale, na ipinalabas noong Linggo ng gabi. Naaliw ang mga manonood lalo na ang mga environmentalist dahil na-expose ang ilan sa mga iligal na gawain sa mga endangered species ng bansa. Kahit ang ilan sa mga anomalyang nangyayari sa karatig-bansa tulad ng Myanmar ay nabulgar. Tungkol naman sa mga natural disasters ang susunod na gagawing documentary ni Richard.

WOWOWEE HOST KELLY MISA, IKAKASAL NA SA NON-SHOWBIZ BOYFRIEND!

Bago pa man ipakilalang Wowowee host ang model na si Kelly Misa, engaged to be married na pala ito sa kanyang non-showbiz boyfriend na nagngangalang Carlos Fernandez. February 2009 pa pala engaged ang dalawa, pero hindi muna ito ibinunyag ni Kelly sa press dahil papasok pa lang siya sa mundo ng showbiz noon. Sa totoo lang, ang ilan sa mga nakasubaybay ng career ni Kelly bilang isang modelo ay nabigla nang bigla itong ‘magpakamasa’ at sumalang sa Wowowee. Wala pang definite date ang wedding day, pero siguradong bonggang-bongga ito!

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

5 thoughts on “Show Twitz: Lovi Poe, sinisisi sa pagkakakulong ni Ronald Singson?

  1. sa panahong ito dapat magdasal tau para kay ronald singson hindi ko man siya kilala o kaano ano nakakaawa kasi at sana wag ng magsisihan.
    tigilan nyo nang pag atake sa mga singson lalo na kay ronald kasi hindi naman nya ginusto ang nangyare,
    kaya umiiyak si love kasi naawa siya at wala siyang magawa..dasal nalang talaga na sana may himala maayos din ang kaso nya ngaun sa hongkong.
    tigilan nyo na si ronald maawa naman kau sa kanya.

  2. ako ay isang biktima ng tv host na baklitang c raymund g. pinic up nya ako sa ortigas sa driver nya sya nagutos na presyuhan ako . ako ay isang college student sa isang universidad d2 sa maynila pagdating namin sa hotel agad nyang tinaggal ang aking damit at pantalon at dali dali nyang chinupa ang aking ti……… at pinauuwetan nya pa ako binubunyag ko lng ito dahil kulang ang binayad nya sa akin na pinag usapan namin ng kanyang driver ay hindi akma sa presyong binayad nya sa akin kyo un nabiktima ng baklang ito lumantad na pumipic up to ng mga gwapo at papable sa kahabaan ng ortigas ako may etsura din

  3. Ronald Singson – Isa lang ito sa mga illegal businesses ng mga Singson particularly dito sa Norther Luzon. Sila din ang (Chavit Singson) ang nagpapatakbo ng Hueting at drugs syndicate. Pera ang pinapagana nila kaya nananalo sila sa election.

Leave a Reply

Your email address will not be published.