Show Twitz: Kristine Hermosa at Jodi Sta. Maria, bagong leading ladies ni Piolo Pascual!

MAXENE MAGALONA AT PAULEEN LUNA, PINATUNAYANG BATI NA!

Nakatutuwa ang naging pahayag nina Maxene Magalona at Pauleen Luna sa kanilang Twitter account pagkatapos nilang magsama sa press conference ng Trudis Liit. Nilinaw na ng dalawa na wala nang iringan sa pagitan nila at hindi na sila nagkakailangan sa bago nilang TV show. Mapapanood na simula ngayong hapon ang Trudis Liit. Ano kaya ang masasabi ni JC Tiuseco sa pagbabating ito?

AWAY NINA CRISTINE REYES AT PAULEEN LUNA, HINDI PA RIN NATUTULDUKAN!

Kung kay Maxene ay wala nang problema si Pauleen, lalo namang nadagdagan ang isyu nito kay Cristine. Sa huling presscon ni Cristine para sa ineendorsong alak, nakapagbitiw ito ng mga salitang “Tigilan mo na ‘ko, girl. Wala naman akong problema sa ‘yo!” Sa Startalk naman ay bumuwelta si Pauleen ng “”Hindi ako makikipag-away sa isang babae para lang sa isang lalaki.” Oo nga, hindi nga nila pinag-awayan si Dennis Trillo.

ALJUR ABRENICA, BIGLANG NAWALA SA 60TH ANNIVERSARY SHOW NG SIYETE!

Nawindang ang mga tao sa likod ng 60th anniversary show ng Siyete nang biglang mag-disappear ang The Last Prince star na si Aljur Abrenica. Ayon sa nakalap naming balita, dapat ay tatlong special numbers ang lalabasan ni Aljur, pero hindi na niya nagawa ang dalawa pa dahil bigla itong nawala sa venue sa hindi pa malamang kadahilanan. Mukhang hindi lang ‘denial king’ ang titulo ni Aljur ngayon. P’wede na rin siyang tawaging ‘Mr. Disappearing Act Prince’. Wala pa siyang kaagaw riyan!

KRISTINE HERMOSA AT JODI STA. MARIA, BAGONG LEADING LADIES NI PIOLO SA NOAH!

Masayang ipinaalam ni Piolo Pascual sa press ang kanyang bagong palabas sa Dos na ‘Noah’. Kasama niya rito ang child star na si Zanjian Jaranilla o mas kilala sa bansag na Santino. Makakasama ni Piolo sina Kristine Hermosa at Jodi Sta. Maria sa proyektong malapit nang maipalabas sa primetime block ng ABS-CBN. Proud naman si Piolo na sabihing involved siya sa production ng Noah at tuluy-tuloy rin ang kanyang training para sa madugong proyektong ito.

MELISSA RICKS OUT, SARAH LAHBATI IN SA WHITE HOUSE NG REGAL

Nag-umpisa na ang shooting para sa bagong horror film ng Regal Films na pinamagatang ‘White House’. Kasali sa cast ng pelikula sina Gabby Concepcion, Iza Calzado, Mo Twister at Lovi Poe. Dapat ay kasali rin ang Kapamilya star na si Melissa Ricks, pero nag-backout ito sa hindi pa maipaliwanag na dahilan. Ang Starstruck V female survivor na si Sarah Lahbati ang pumalit sa kanya. Excited ang dalaga sa kanyang movie project kahit pa second choice lang siya.

GRETCHEN BARRETTO, MAKAKATRABAHO SI ANGEL LOCSIN SA ISANG PELIKULA!

Pagkatapos makipagtalbugan kay Bea Alonzo sa teleseryeng ‘Magkaribal’, si Angel Locsin naman ang makakasama ni Gretchen Barretto sa kanyang movie comeback film. Hindi pa inilalabas ang tema ng nasabing movie project na pinaghahandaan ng Star Cinema. Ang alam lang naming ay si Chito S. Roño ang nakatokang magdirek ng Gretchen-Angel starrer. Huling napanood si Gretchen Barretto sa horror film na ‘Matakot Ka sa Karma’. Incidentally, magkasama sa pelikulang iyon sina Gretchen at Angelica Panganiban.

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.