Show Twitz: Krista Ranillo, ikinasal na!

Wala pang isang taon si Krista Ranillo sa Amerika, ngunit ito ay nagpakasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend na nagngangalang Jefferson Niño Lim. Siya ang CEO ng Island Pacific Supermarket. Ganap nang naging Mrs. Lim ang sexy actress noong Agosto 8, 2010 sa isang private ceremony sa Hotel Maya. Hindi pinayagan ang media na makapasok sa nasabing pagtitipon. Ayon naman sa kampo ng bagong kasal, ilalabas nila ang ilan sa mga wedding pictures kapag handa na silang humarap sa publiko.

TIM YAP AT ROCCO NACINO, MAY RELASYON?

Kumakalat ngayon sa Kapuso network ang diumano’y ‘term of endearment’ ng Tweetbiz host na si Tim Yap sa Starstruck avenger Rocco Nacino. “Ma Boy” daw ang tawag ni Tim kay Rocco. Hindi naman maiwasan ng ilan sa mga Kapuso stars and staff na mag-isip na may lihim na relasyon ang dalawa. Meron nga ba o wala?

VALERIE CONCEPCION, KAWAWA SA PILIPINAS WIN NA WIN?

Marami ang nakapupuna na dehado pagdating sa exposure ang Kapuso turned Kapamilya host na si Valerie Concepcion. Ayon sa mga loyal viewers ng Pilipinas Win na Win, hindi raw nila masyadong ramdam ang presence ni Valerie sa show kumpara noong nasa Wowowee pa ito. Ang pagiging ‘uninteresting’ diumano ng lovelife ni Valerie ang dahilan kung bakit ‘di siya masyadong nasasalang. Mahirap nga namang makipagsabayan sa dalawang host na nagkakagustuhan, isang host na may kontrobersiyal na lovelife at isang kasamahang walang inuurungan sa pagpapatawa. Kailangang magpakitang-gilas ang sexy host para hindi siya masyadong masapawan.

SHAINA, SINISISI SA PAGKANSELA NG JOHN LLOYD-SARAH MOVIE?

Ikinumpirma kamakailan lang ni John Lloyd Cruz na hindi na matutuloy ang third movie nila ni Sarah Geronimo. Ikinalungkot ito ng Sarah-John Lloyd fans, na matagal pa namang hinintay ang follow-up sa A Very Special Love at You Changed My Life. Hindi raw handa ang kampo ng pop princess na gumawa ulit ng proyekto kasama ang aktor. Nakatakda namang gumawa ng pelikula si John Lloyd kasama si Toni Gonzaga, na bigla namang na-shelved ang dapat na movie project with Robin Padilla. Hindi naman maiwasang sisihin ng ilang tagahanga si Shaina Magdayao dahil nasira ang ilusyon ng mga fans na magkakatuluyan pa sina Sarah at John Lloyd. Si Shaina ang off-cam sweetheart ni John Lloyd.

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.