Show Twitz: Kris Bernal, nagpagawa ng dibdib?

Kapansin-pansin ang biglaang paglaki ng hinaharap ni Kris Bernal nang dumalo ito sa press conference ng Love Bug presents Wish Come True, kung saan kasama niya si Daniel Matsunaga. Katulad ng inaasahan, itinanggi ng young actress ang bali-balitang nagparetoke ito ng dibdib. Ayon sa kanya, tumaba lang daw siya. Minsan na ring na-tsismis si Kris na may ipinagawang parte ng kanyang mukha, pero ito ay kanya ring itinanggi at sinabing pumayat lang daw siya. Sobrang laki naman palagi ng pagkakaiba tuwing pumapayat at tumataba ang aktres, huh!

JOHN LLOYD CRUZ AT SHAINA MAGDAYAO, NAHULING MAGKASAMA SA SINGAPORE?

Matagal-tagal nang pinag-uusapan sa mundo ng showbiz ang diumano’y ‘secret relationship’ ng Kapamilya stars na sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao. Una silang nakitang sweet sa isang resort sa Boracay noong April. Ngayon naman ay may mga kababayan tayong nagsasabi na nakita ang dalawa na magkasamang naglalakwatsa sa Singapore. Bakit nga ba hindi pa nila maamin ang tunay na estado ng kanilang relasyon?

SHARON CUNETA, NO-SHOW SA PREMIERE NIGHT NG SARILING ANAK

Marami ang nadismaya sa hindi pagsipot ni Megastar Sharon Cuneta sa premiere night ng I’ll Be There, ang pelikulang pinagbibidahan ng kanyang anak na si KC Concepcion at ex-husband na si Gabby Concepcion. Inaasahan ng mga fans ang pagdating ni Mega, pero hindi ito natuloy. Hanggang ngayon, marami pa rin ang umaasang magsasama ang tatlo sa isang pelikula.

BIANCA KING AT HEART EVANGELISTA, MAY SILENT WAR?

Bulung-bulungan din ngayon sa Kapuso network ang diumano’y ‘silent war’ sa pagitan ng Party Pilipinas mainstays na sina Bianca King at Heart Evangelista. Ayon sa nasagap naming balita, kinumpronta raw ni Bianca si Heart at tinanong nang diretso kung ayaw ba nito sa kanya. Hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na sagot sa isyung ito. Parehong nasasangkot sa iba’t ibang intriga ang dalawang magandang aktres, na magkasama pa naman sa grupong Glam Girls.

RICH ASUNCION, INAMING MINAHAL SI ALJUR ABRENICA

Sa isang panayam kay Rich Asuncion kamakailan, inamin nito na minsan din silang naging close ng rumored ex-boyfriend na si Aljur Abrenica. Madalas nga raw silang mag-text noon at talagang open ang communication lines nila. Nabigla nga lang daw ito dahil biglang lumabas ang isyu na sila nga raw at nalungkot dahil siya ang lumalabas na ‘kontrabida’ sa tambalang Aljur Abrenica at Kris Bernal, na bini-buildup ng GMA-7 noon. Kahit pa sinasabi ng aktres na wala naman talaga silang naging relasiyon ni Aljur, marami pa rin ang hindi naniniwala sa kanya.

STARSTRUCK AVENGER CHRISTIAN ESTEBAN, INDIE FILMMAKER NA SA AMERIKA!

Lumabas sa Showbiz Central noong Linggo si Christian Esteban, ang dating Starstruck avenger na nakilala rin bilang host ng Lovely Day ilang taon na ang nakararaan. Umalis ito ng bansa noong 2006 para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Kaga-graduate lang nito sa New York Film Academy noong 2009, kung saan siya kumuha ng masteral sa filmmaking specializing in cinematography. Busy ngayon si Christian sa production ng dalawang indie film at balitang uuwi raw ito sa Pilipinas ngayong Agosto.

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Show Twitz: Kris Bernal, nagpagawa ng dibdib?

  1. I will attest noong payat ako.. flat breast ako that was at that time I am 80 pounds ng mag increase ang weight ko.. nag enlarge din ang breast ko..

  2. There is no way that Kris can have a breast enlargement.. Why? because her Taping days are every MWf and the days without Tapings she has various guestings and mall tours.. that is how rigid her schedules are.. How could that be… It is a fact she may have increase in weight that her breast could possibly be enlarge.. coz of the change in her physique…

    Yugn sa face..na pumayat siya .. totoong nagkasakit siya.. in fact nag pa extray siya na kung saan my sister was the medical practitioner.. bumababa talaga timbang ninya dahil sa last movie niya which she really had a dietary system..kaya she was advised to take enough foods.. kasi ang payat na niya talaga…

Leave a Reply

Your email address will not be published.