Show Twitz: Kim Chiu, no comment sa retoke issue

Marami ang nakapupuna sa biglang paglaki ng dibdib ng Kapamilya teleserye princess na si Kim Chiu. Nang ma-corner naman ito ng ilang press people, “no comment” lang ang isinagot ni Kim. Ibig sabihin, she neither confirms nor denies the issue. Para sa kanya, hindi na dapat pinag-uusapan ang ganitong bagay. Dapat daw na mag-focus na lang sa kanyang trabaho kesa isipin pa ang mga paninirang ibinabato sa kanya.

BIANCA KING, NAGBANTA SA STAFF NG SHOWBIZ CENTRAL?

Pinag-uusapan ngayon ang diumano’y pagbabanta ni Bianca King sa staff and crew ng Showbiz Central noong nakaraang Linggo na magwo-walkout daw ito sa “Don’t Lie to Me” segment ng talk show kung tatanungin siya tungkol sa grupong Ampalaya Anonymous. Kinumpirma naman ni John “Sweet” Lapus na may kundisyon nga raw na ganu’n ang sexy actress. Dapat ay si Jennylyn Mercado ang special guest noong hapon na iyon pero nag-backout ito kaya siya pinalitan ni Bianca King.

JOLINA MAGDANGAL, TSUGI NA SA PARTY PILIPINAS?

Espesyal ang pagtatanghal ng Party Pilipinas noong nakaraang Linggo para sa kanilang Independence Day Celebration. Kahit pa kapansin-pansin ang malaking improvement sa show, nagtaka naman ang karamihan kung bakit hindi present si Jolina Magdangal. Ayon sa tsikang nasagap namin, nagkaproblema raw si Jolina sa staff and crew ng Party Pilipinas kaya pansamantala munang hindi makikita ang aktres sa Sunday variety show ng Siyete.

ANNE CURTIS, INAMING NAGALIT KAY RICHARD GUTIERREZ!

Magkasama ngayon sa pelikulang In Your Eyes sina Anne Curtis at Richard Gutierrez. Nagkaroon ng pagkakataon na naging mag-on sina Anne at Richard noong pareho silang kasali sa cast ng Nuts Entertainment sa Siyete. Matatatandaan ding may kumalat noon na kissing video nilang dalawa kaya raw sila tuluyang naghiwalay ng landas. Ngayon lang inamin ni Anne na mahigit isang taon din niyang hindi kinausap ang ex-boyfriend dahil sa sobrang sama ng loob. Parehong committed sa iba ang dalawang celebrity at mas gusto nilang maging private na ang kani-kanilang relasyon.

EX-SEXBOMB DANCER JACKIE ESTEVEZ, NURSE NA SA AMERIKA!

Ipinakita sa Showbiz Central noong nakaraang Linggo ang estado ng buhay ngayon ng ex-Sexbomb dancer na si Jackie Estevez. Umalis ito sa bansa noong 2007 para mag-aral sa Amerika at ngayon nga’y isa na siyang registered nurse. Sa ngayon ay wala pang balak na bumalik sa showbiz ang dating Sexbomb dancer na na-discover sa Cebu at nakalaban ni Rochelle Pangilinan. May kalusugan na ang performer turned nurse.

ROCCO NACINO, KAPALIT NI ALJUR ABRENICA SA PUSO NI KRIS BERNAL?

Pansamantalang paghihiwalayin ng GMA-7 sina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa pagtatapos ng The Last Prince. Si Rhian Ramos ang bagong makakasama ni Aljur sa isang fantaserye samantalang si Kris naman ay itatambal kay Daniel Matsunaga sa Love Bug, na magsisimula na sa darating na Linggo. Malakas naman ang bali-balitang pagkatapos ng Love Bug, may teleseryeng gagawin si Kris Bernal kasama ang Starstruck V finalist na si Rocco Nacino. Ngayon pa lang ay marami na ang natutuwa sa balitang ito.

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

Previous articleKrissy-pon! (Kris Aquino)
Next articleJay-R Siaboc, takot bumalik sa hirap!

No posts to display