Show Twitz: Kim Chiu at Jason Abalos, gumigimik?!

Lumabas sa isang showbiz talkshow kamakailan lang na nanliligaw diumano si Jason Abalos kay Kim Chiu. Lantad na ang panliligaw ni Gerald Anderson kay Bea Alonzo, kaya naman libre na raw ngayon si Kim na mag-entertain ng ibang suitors at si Jason nga raw ang isa sa mga lalaking napapalapit ngayon kay Kim. Mukhang imposibleng maging totoo ang pinalalabas na balita dahil ang Kapuso newbie na si Bela Padilla ang current girlfriend ni Jason Abalos. May nagsasabing may pagsasamahan daw na teleserye sina Jason at Kim kaya pinaiingay ito ng network. Bistado!

KATHRYN BERNARDO AT JULIA MONTES, BIDA SA REMAKE NG ‘MARA CLARA’

Ikinagulat ng mga Kapamilya viewers ang balitang ire-remake ang longest-running teleserye na Mara Clara, na pinagbidaan noon nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes. Nagsimula ito bilang isang panghapong teleserye hanggang sa inilipat sa gabi. Ang pagiging in-demand sa manonood ng Mara Clara ang naging hudyat ng pag-usbong ng mga teleserye sa primetime slot. Ang pre-teen stars na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes ang masuwerteng napili ng ABS-CBN na gumanap sa bagong bersyon ng teledrama. Isa itong malaking hamon sa mga bagets. Mahirap tapatan ang galing nina Judy Ann at Gladys sa dramahan, tarayan at sakitan.

TUESDAY VARGAS, NAIMBYERNA SA MGA KATRABAHO!

Super nakaka-starlet ang pagka-late. Never kong gagawin sa kapwa ko artista na paghintayin sila. Sana mas bumuti work ethic ng mga tao. Hayy. Huli man daw at magaling, huli pa din. Kapag 7am ang calltime, 4am pa lang gising na ako kasi malayo makati. Tapos late ang iba deadma pa. Mas maraming maa acomplish if everybody arrived on time. Its a waste of energy to wait for nothing. Mas waste of energy magalit sa taong late. ‘Yan ang hinaing ng TV5 Comedian na si Tuesday Vargas noong September 28 dahil sa mga bagong artistang late dumating sa set. Sino kaya ang pinatatamaan ng bagong kasal?

SAM PINTO, PASOK SA ILUMINA

Ang ‘Ilumina’ ang unang proyekto sa primetime slot ng GMA-7 ni Sam Pinto, ang dating Pinoy Big Brother housemate na balak pasikatin ng Kapuso network. Gagampanan nito ang papel ni Elizaria, ang pinakamalakas na puting sorsera na tutulong kay Romana (Rhian Ramos) sa kanyang laban kontra sa mga itim na sorsera. Kailangan patunayan ni Sam Pinto na karapat-dapat siya sa mga proyektong nakalatag sa kanya. Talento ang kailangan para tumagal sa industriya. Kailangang maipakita niya sa madla na she’s more than just a pretty face.

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Show Twitz: Kim Chiu at Jason Abalos, gumigimik?!

  1. Kim at Gerald sarado na ang puso at tambalan, wala na. Bistado na, nag kanya kanya ng direction ng pag ibig. Si Gerald, malimit sa condo ni Bea, si Kim naman malimit dalawin sa bahay niya ni Jason at ng isang non showbiz na anak daw ng mayor.

Leave a Reply

Your email address will not be published.