Show Twitz: KC Montero, si John Mayer naman ang gusting hamunin!

Matapos tuparin ni KC Montero ang kanyang pangako na magpapaka-drag queen siya sa kanyang radio show ng isang Linggo bilang si ‘Cassandra Monteroid’ kapag sinundan siya ni Justin Bieber sa Twitter, ngayon naman ay ang American acoustic singer na si John Mayer ang gusto niyang mag-follow sa kanya. OK, IVE GOT IT. If @johncmayer follows me, Cassandra Monteriod will return home to the Philippines…this is Impossible! Katulad ng inaasahan, ni-retweet ng kanyang mga fans ang nasabing announcement. Papansinin naman kaya siya ni John Mayer? Sana!

CLAUDINE BARRETTO AT MARK ANTHONY FERNANDEZ, MAGHAHARAP NA!

Nakatakdang magharap sa kauna-unahang pagkakataon ang dating magnobyong sina Mark Anthony Fernandez at Claudine Barretto sa Showbiz Central ngayon. Parte ito ng month-long co-hosting job ng aktres, na kasalukuyan ding nagpo-promote ng kanyang bagong pelikula na In Your Eyes kasama sina Richard Gutierrez at Anne Curtis. Inaabangan na ng maraming fans kung ano ang mangyayari sa pagkikitang ito. Matatandaang dapat ay may gagawin silang proyekto na magkasama nang lumipat si Claudine sa Siyete, na hindi natuloy dahil parehong hindi pa handa ang dalawa. Matutuloy na kaya sa isang magandang teleserye ang tagpong ito?

ALJUR ABRENICA, GINAGAYA SI JOHN LLOYD CRUZ?

Marami ang nakapuna sa kapansin-pansin na pagbabago sa pananamit ng Ilumina leading man na si Aljur Abrenica nang dumating ito sa presscon ng programa. Kapansin-pansin kasi na may pagkahawig ang kanyang bagong istilo kay John Lloyd Cruz, na kilala sa pagsusuot ng colored bitin pants at hindi nagmemedyas kahit nakasapatos. Nagbago noon si JLC nang maging nobya nito ang stylist na si Liz Uy. Meron na rin kayang stylist na nag-aalaga ngayon kay Aljur in real life?

PILIPINAS WIN NA WIN, NGAYONG SABADO NA!

Goodbye Wowowee, Hello Pilipinas Win na Win! Wala na ngang babalikang noontime show si Willie Revillame dahil simula sa Sabado ay ang bagong programang “Pilipinas Win na Win” na ang bagong magpapasaya sa mga Kapamilya tuwing tanghali. Sina Robin Padilla at Kris Aquino ang main hosts nito. Pasok pa rin ang Wowowee girls na sina Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion at Pokwang. Marami ang nagtataka kung bakit hindi isinabit si RR Enriquez sa bagong show na ito. May issue nga ba?

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.