Show Twitz: Jake Cuenca at Melissa Ricks, nagkabalikan na!?

JAKE CUENCA AT MELISSA RICKS, NAGKABALIKAN NA?!

Hindi pa man direktang umaamin sa press, bali-balitang nag-break na sina Jake Cuenca at Melissa Ricks ilang linggo na rin ang nakararaan. Ito raw ang rason kung bakit todo-effort bigla si Jolo Revilla sa panunuyo sa SCQ Star. Kapansin-pansin naman sa press conference ng Noah na nagdededmahan ang dalawa kahit pa inaasar na sila ng kapwa co-star na si Joem Bascon. Kaya ba biglang nanlamig si Melissa kay Jolo ay dahil sa pinagbawalan na ito ng Jake, na balitang jowa na naman niya? Naku, p’wede, umamin muna kayo?!

ROMANA SANTA NG GMA-7, KASADO NA!

Tuloy na tuloy na nga ang fantaseryeng ‘Romana Santa’ ng Kapuso network. Ito bale ang proyektong unang pagtatambalan nina Aljur Abrenica at Rhian Ramos. Sila ngayon ang bini-build-up ng network at may balitang may follow-up movie kaagad ang dalawa kung sakali mang mag-click ang kanilang loveteam. Pasok din sa cast ang Starstruck III winner na si Jackie Rice at ang sexy actress na si Ara Mina, na dati na ring naiugnay kay Aljur nang magsama sila sa isang Sinenovela.

TIM YAP, SINIRA ANG TIWALA NI PIA GUANIO?

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ikinukumpirma ng Kapuso host na si Pia Guanio kung totoo ang bali-balitang hiwalay na sila ni Vic Sotto. Palagi raw ‘no comment’ ang sagot ni Pia sa tuwing kinukuyog siya ng press tungkol dito. Wala raw go-signal mula sa kanyang manager kaya hindi niya masasagot ang mga tanong ng mga reporter. Bali-balitang kay Tim Yap daw diumano nanggaling ang break-up issue na ito at dahil nga raw rito ay nadismaya ang Showbiz Central at Eat Bulaga host.

DOMINIC ROCO, BAGONG BOYFRIEND NI MAXENE MAGALONA?

Napapadalas diumanong nagkikitang magkasama sa mga events at gimik sina Dominic Roco at Maxene Magalona. Ayon pa nga sa aming source, mukhang ibang-iba ang pakikitungo ng Trudis Liit star sa kakambal ni Felix Roco. May ‘something special’ na nga raw na namamagitan sa kanilang dalawa at lutang na lutang din ang pagiging blooming ng dalaga ni Francis M. Wala namang masama kung sakaling sila na ngang dalawa. Huling na-link si Maxene sa Survivor Philippines winner na si JC Tiuseco at hindi maganda ang kanilang naging break-up.

SOLENN HEUSSAFF, PAPASUKIN NA RIN ANG PAG-AARTISTA!

Opisyal na ngang pumirma ang kilalang socialite at model na si Solenn Heussaff sa kilalang talent manager na si Leo Dominguez. Siya ngayon ang natsitsismis na bagong pinopormahan ng Panahon Ko ‘To host na si Luis Manzano. Sa mga hindi pa masyadong pamilyar sa dalaga, siya ang kasama nina Angel Locsin, Anne Curtis at Georgina Wilson sa music video ni Christian Bautista para sa kantang Beautiful Girl.

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5296 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.